Mikael Daez is interested to work with Carla Abellana in the future





Sa March 7 na ang finale episode ng primetime series ng GMA-7 na Adarna.

Sabi ni Mikael Daez nang makausap namin sa pocket presscon ng Adarna noong February 19, natanggap na raw niya ang final script kaya may ideya na raw siya sa kung ano ang mangyayari sa ending nito.

Pero sabi nga ni Mikael sa kanyang karakter bilang si Falco, “Tama naman ang intensiyon ni Falco. Mali lang ang paraan niya. Dumadaan sa kontrabida, kay Garuda, pero, maganda ang intensiyon niya. Pero siyempre, siya yung malaking sacrifice.

“Sa teleserye naman, lahat merong ganun, merong greater good, merong sacrifice, so, parang tumutugma siya sa kuwento naming lahat.”

Tatlo silang leading men ni Kylie, pero ngayon pa lang, walang-duda na si Geoff Eigenmann na nga ang makakatuluyan nito.

Tanggap na ba ni Mikael yun?

“Oo naman, from the story na for one week, ire-reverse nilang lahat, parang sayang naman ang build-up. Siyempre, sa teleserye may mga build-up ‘yan. Sabihin na nating she ends up with Falco or Agalon, parang sayang ang build-up. Nakita na namin yun bilang mga actors and I think, it’s the best way to do it.

“Siyempre, may team Falco pa rin, team Agalon, pero, marami pa rin ang kakapit sa Migo-Ada.”


Naging masaya raw siya sa pagkakagawa ng Adarna.

“I think, we all enjoyed this cast. Nagtulungan kami. Iba ang feeling ng fantasy. Nanibago ako. Kasi, akala ko ang Amaya fantasy, pero hindi. Ang dami ko rin natutunan working with Geoff, working with Direk Ricky [Davao], our acting coaches, Miss Winnie [Reyes] yung E.P. namin, ang dami ko rin natutunan na mababaon ko sa next project ko.”


Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Mikael kung ano ang susunod niyang serye.

“Wala pang sinasabi, alam ko, maraming inilalabas ang GMA na bago ngayon. Alam ko, they are focusing on Carmela, Rhodora X, Kambal Sirena and Innamorata is out and I heard, maganda raw ang ratings niya, sobra akong proud with Max [Collins].

“I think, may lalabas pang dalawang teleserye, so, maraming na-tengga kasi na-move lahat, pero ang sa akin, okay lang naman. I’m excited to go back to Bubble Gang, Midnight Express and doing a lot of things.”

Hindi ba niya namimiss yung gumawa ng heavy drama ulit?

“Nakakamiss pero, game rin naman ako sa bago. Nagulat ako sa Adarna na ang dami kong natutunang bago. Kung bago rin ang ibibigay, marami akong matutunan.”


Walang-duda naman na nag-e-enjoy si Mikael sa kanyang food segment sa Saksi called "Midnight Express." Kahit nasa ibang bansa si Mikael, naiisingit pa rin niyang i-shoot ang naturang segment.

“Kapag may pinupuntahan ako, nagpapaalam ako sa E.P. [executive producer] na magsu-shoot ako. Ako na lahat. Madali naman maghanap ng tulong. Hawakan lang ang camera, ako na ang mag-aayos ng setting, hawakan lang. Madali lang naman, e.

“Lahat naman ng tao ngayon cameraman.”

Dugtong pa niya, “Nag-e-enjoy talaga ko. I think, ang laki ng potential ng Midnight Express. Ang feeling ko kasi ron, hindi lang siya mae-enjoy ng Filipino. Sabihin na nating Tagalog siya, pero, kunwari, naiintindihan ng lahat ng tao ang Tagalog, kahit yung mga chino, mga hapon, mga tao sa iba’t-ibang bansa, mae-enjoy nila ang Midnight Express kasi, pagkain, e.”

Pero, hindi siya tumataba kahit kain siya ng kain.

“Hindi ko nga alam kung bakit. Siguro, bata pa. Metabolism. Kahit ako nagulat ako na hindi ko alam, ganito pala ang limit ng metabolism ko. Sa rami ng kinakain ko, siyempre, tumatanda ako, bumabagal ng bumabagal, malapit-lapit na ang oras ko.

“Feeling ko, babagal na ang metabolism ko, to the point na makikita na. At saka, malakas akong kumain normally. Hindi rin ako nakaka-gym masyado kasi, medyo paguran yung Adarna.”


Nang tanungin si Mikael kung sino ang sino ang gusto niyang kapareha sa future projects, sinabi niya na kahit sino naman daw ang ibigay sa kanya ng GMA-7, okay sa kanya. Pero, sabi rin niya, tingin daw niya, okay na makatrabaho niya si Carla Abellana.

“I think, it’s interesting to work with Carla. Pupunta yata kami sa Cambodia. Nagpunta na kami dati, but I think, gusto yata nila kaming pabalikin, so, happy ako. Same thing, anniversary rin nila.

“So, I think, Carla will be an interesting choice. I think maganda ang work ethics niya, marami akong matutunan sa kanya. Kuwento rin ni Geoff, very dedicated siya. Pero ako naman, whoever is there, tatanggapin ko.”


Dumating sa Pilipinas kamakailan ang 2013 Miss World titleholder Megan Young na tinuturing ni Mikael na pinakamalapit na babae sa kanya. Nagkakaroon naman daw ng pagkakataon na magkita sila.

Ayon kay Mikael, “Kapag hindi talaga siya busy, I get to see her. Pero I think, ngayon ang nangyayari, nagsisimula na ang mga Miss World ng ibang bansa.

“Siyempre, hindi naman niya mapupuntahan lahat.

“May mga piling countries na napupuntahan niya, in a way, parang regional na bongga.”


Kung anumang relasyon o pagkakaibigan meron sila ni Megan bago pa man ito makoronahan bilang Miss World, masasabi niya ba na ganoon pa rin sila at walang nabago sa closeness nila?

“Yes, sobrang solid pa rin kami. At hindi naman sobrang intrusive ang work niya. I guess, yun kasi ang inisip ng ibang tao, magiging intrusive ang buhay niya, mga buhay sa paligid niya, pero hindi, e.

“Siyempre, hindi naman natin alam dati kasi, first natin ‘to. First nating Miss World. Pero, hindi naman, very peaceful. Parang regional nga lang. Doon ka lang lilipad, doon ka lang mangangarag, pagbalik mo, rest na.”

May napasin ba siyang pinagbago si Megan?

“No, I think, what’s good about is, she’s still the same. Siyempre, just like in showbiz naman, ganoon naman tayo but nothing naman changed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN