Direk Ruel Bayani decides to end Annaliza this March instead of extending it this year

Ano ang natutunan niya sa pagganap bilang Annaliza? Ani Andrea Brillantes, "Natutunan ko po sa kanya na wag pong mag-gi-giveup basta-basta, laging maging mabait sa kapwa, saka kahit gawan ka po ng masama, wag ka po papatol dahil sabi nga, ‘Vengeance is not ours, it’s God’s.’ Saka nalaman ko sa kanya na laging mag-aral ng mabuti, saka kahit mahirap yung buhay lagi dapat nakangiti. Dapat maging mabait sa kapwa at yun, dapat maging mapagmahal s


Matapos ang sampung buwan sa ere ay magtatapos na ngayong lingo ang early primetime drama ng ABS-CBN na Annaliza.

Ang 2013 remake ng '80s serye ang kauna-unahang proyektong pinagbidahan ng child actress na si Andrea Brillantes.

Nakapanayam ng PEP.ph ang cast ng Annaliza noong Sabado, March 15 sa 13th floor, ELJ Bldg, sa ABS-CBN Compound.

Bukod sa presscon para sa pagtatapos ng show ay nagsilbing surprise birthday party na rin ito ni Andrea na nagdiwang ng kanyang 11th birthday noong March 12.

Naging maganda ang feedback ng mga manonood sa nasabing teleserye kung saan tampok rin sina Zanjoe Marudo, Kaye Abad, Carlo Aquino, Denise Laurel, at Patrick Garcia.

Paglalahad ni Direk Ruel Bayani, “The truth is management wanted this to run until end of the year.

“Ako nagsabing hindi kasi, there’s something about, minsan feeling ko kayabangan pag sinabing, ‘Hindi, kaya namin. Kaya namin.’ Ang hirap. My writers are all suffering in silence dahil ang hirap, e.

“It’s, you know, there’s something about keeping the narrative fresh, was masyadong mahalata yung pag-eextend.

“Kaya I decided to end it as early as November last year, ako na nag-decide na hanggang March lang. And I don’t regret that decision because I’d rather have this good run than regret it later.”

Annaliza ang unang proyekto ni Direk Ruel sa bago niyang posisyon bilang Business Unit Head ng ABS-CBN.

May nagkomento naman na maraming paraan upang mapahaba ang istorya ng Annaliza tulad ng pagpapakilala ng mga bagong karakter.

Sagot ni Direk Ruel, “Diyan ako medyo hati ako sa ganyan. It’s always easy to say that. But you see, maganda rin na organic na kung sino yung kontrabida sa una, kung ano yung original conflict ng show, yun yung niri-resolve sa dulo.

“Iba siguro ngayon kunyari gagawa kami ng bagong show. And I say, ‘No, bago tayo mag-start planuhin na nating pwede 'to ng three years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In other words, kumbaga sa bahay, there’s a stronger infrastructure, foundation. The blueprint allows you to have a stronger foundation. Alam mo, hindi yung ginagawan mo ng paraan along the way.

“Siguro yun. But walang masama to have mahahabang shows. But in ABS, to air more than six months is really an achievement already.”

ANDREA AS ANNALIZA. Aminado si Andrea na malaki ang nabago sa buhay niya dahil sa pagganap sa title role na “Annaliza.”

Kuwento niya, “Madami na pong mga nagpapa-picture sa 'kin, madami na pong mga nakakakilala sa 'kin, saka madami na pong mga nagmahal sa 'kin.”

Ano nga ba ang mga natutunan niya sa pagganap bilang Annaliza?

“Natutunan ko po sa kanya na wag pong mag-gi-giveup basta-basta, laging maging mabait sa kapwa, tsaka kahit gawan ka po ng masama, wag ka po papatol dahil sabi nga, ‘Vengeance is not ours, it’s God’s.’

“Tsaka nalaman ko sa kanya na laging mag-aral ng mabuti, saka kahit mahirap yung buhay lagi dapat nakangiti.

“Dapat maging mabait sa kapwa at yun, dapat maging mapagmahal sa lahat. Dahil, ‘A kembot a day, keeps the bad vibes away!’” malarong sagot ng 12-year-old actress.

Nabanggit ni Andrea noon na naranasan niya ang ma-bully ngunit ngayon daw ay hindi na sila nagkikita ng mga nagparanas nito sa kanya.

Tungkol naman sa mga bashers at sa mga naiinggit sa kanya, wika ni Andrea, “Hindi ko na lang po sila pinapansin dahil minsan may mga tao na talagang hindi ka magugustuhan.”

Nakatakda nang magsimula ang shooting ng bagong proyekto ng child actress kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual, Iza Calzado, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat.

Aniya, “Excited na rin po akong makatrabaho si Piolo Pascual saka si Ate Iza, tapos si ma-friend na si Xyriel.”

Ayon kay Andrea ay close daw sila ni Xyriel at “mafriend” ang tawagan nila. Excited rin daw siyang makatrabaho ang isa pang child star na si Zaijian:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko rin siya makatrabaho kasi magaling siya dun sa Ikaw Lamang, e. Excited ako.”

Kung sinu-sino pa ang mga artistang gusto niyang makatrabaho, pinangalanan ni Andrea sina Anne Curtis, Kim Chiu, Bea Alonzo, at Judy Ann Santos sa mga ABS-CBN actresses.

Nabanggit naman niya sina Gerald Anderson, Daniel Padilla, at Enrique Gil sa mga male actors ng ABS-CBN.

Ano ang mga roles na gusto niyang gampanan? Sagot ni Andrea, “Sirena, bampira, bulag, fairy, pilay, action star!”

Ang birthday wish ni Andrea, “Mas maging successful po yung career ko, mas dumami po yung nagmamahal sa kin.

“Sana po maging mas sikat ako at sana magkaron pa po ako ng madaming mga projects.”

ON HER "TATAY" ZANJOE. Nang tanungin kung sino ang pinaka-mamimiss niya sa mga cast ng Annaliza, mabilis na sagot ni Andrea, “Si tatay.”

Ang tinutukoy niya ay si Zanjoe Marudo na gumaganap bilang Guido, ang adoptive father ni Annaliza.

May mga advice o paalaala ba siyang natanggap galing kay Zanjoe?

Tugon ni Andrea, “Wag po lalaki yung ulo, lagi po… wag daw akong magbabago, lagi daw magiging mabait, makinig sa mga magulang, yun.”

Wala pa raw birthday gift si Zanjoe kay Andrea ngunit ini-reveal ng bata na marami na ring regalong naibigay sa kanya ang tatay-tatayan:

“School bag ko, unan na Tempur, tapos yung isa secret lang, e. Sabi niya bawal ko daw sabihin, e.”

Matapos pilitin ng press ay pumayag na rin si Zanjoe na ipaalam kung ano ang inililihim na regalo niya kay Andrea at iyon pala ay isang iPhone 5C.

Dahil sa pagiging malapit kay Zanjoe ay naging malapit na rin si Andrea sa girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Kuwento pa ni Andrea, “Binigyan niya po ako ng juicy couture na bracelet, earrings, bag.”

Nang tanungin kung kinukuha na ba siyang flower girl sa kasal ng mga ito, sagot niya, “Tagal pa daw sila, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN