Ryan Agoncillo's game show honored in the US International Film and Video Festival

Ryan Agoncillo (wearing suit) is joined by wife Judy Ann Santos and kids Yohan and Lucho in the Father's Day episode of Picture! Picture! They are joined in this photo by Bobby Andrews and Bayani Agbayani.


Unang sitcom ni Ryan Agoncillo sa GMA ang Ismol Family.

Ano ang pakiramdam, ano ang mga bagong experiences niya?

“Sarap! Maganda, kasi bale first time kong mag-sitcom sa GMA.

“Ano ba’ng mga bago? Dami, e. First time kong makatrabaho si Direk Dom.”

Pero nagkatrabaho na talaga noon sina Ryan at Direk Dominic Zapata sa My Husband’s Lover—guest nga lang si Ryan doon at dalawang eksena lang.

“So ito yung talagang trabaho. First time kong makatrabaho si Direk Dom, si Carla [Abellana]... Basically maraming first. Lahat first.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa taping ng Ismol Family sa Don Antonio Heights sa Quezon City noong Martes, June 10.

Ang Ismol Family ay pagsasamahan nina Ryan at Carla Abellana na gaganap na mag-asawa sa sitcom na ito na eere simula June 22, Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA.

Sa naturang sitcom din ay unang beses na gaganap bilang bading si Mikael Daez (bilang Bernie) na palihim na magkakagusto sa bestfriend niyang si Jingo na ginagampanan ni Ryan.

Kaya kinumusta namin si Ryan kung kumusta magkaroon ng “ka-loveteam” na isang bading.

“Hindi naman loveteam, hindi pa, hindi pa, papunta pa lang,” at natawa si Ryan.

“Ayos din, sira rin ang ulo, e, si Mikael. Sira rin ang ulo.”

Masaya si Ryan na maging direktor si Direk Dominic.

“Masaya because he knows what he’s doing and he’s the life of the party, you know.

“Ano, e... First time kong makatrabaho siya and gusto ko yung proseso.

“In the beginning of the taping, dun sa script-reading with everyone on the table , dun pa lang, first hour of the day pa lang, tapos na yung problema, usapan n’yo, buong cast na nag-uusap, with the director.

“So as the day progresses, wala nang masyadong tanung-tanong.

“Naklaro na sa umpisa pa lang and that’s very refreshing to see. Hindi ko akalaing ganun, wala namang nakapag-warn sa akin. So si Direk Dom, ganun yung ginagawa. Ayos!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So smooth naman ang gawain. Yun nga lang nakakatakot kasi kailangan alam mo yung baon mo, alam mo yung ginagawa mo because Dom knows what he’s doing.

“Ikaw din hindi ka puwedeng eengot-engot,” at muling natawa si Ryan.

Medyo matagal nang hindi lumalabas sa isang sitcom si Ryan, ginawa niya dati ang George and Cecil (sa ABS-CBN noong 2009) at ang Lady Dada (sa TV5 nong 2010).

Paano siya nakumbinsi na tanggapin ang Ismol Family?

“Madali lang naman, pinakitaan lang ako ng tseke, ayos na yun,” at muling tumawa si Ryan.

“Enrollment na, tatanggi pa ba ako?"


Si Ryan at ang asawa niya na si Judy Ann Santos ay may dalawang anak: sina Yohan at Lucho.



Lucho Agoncillo

Pagpapatuloy ni Ryan: “Actually ang maganda nito, matagal na naming pinaplanong gumawa ng sitcom.

“Ako, gusto ko sana. Nagulat ako na, when we were negotiating with GMA last year, may nababanggit na na sitcom, I didn’t realize it was gonna be this quick.

“Pagbalik namin from New Zealand and Osaka, when we went on a trip, pagbalik ko, nakaplantsa na lahat, little details na lang pinag-usapan.

“So when they spoke to me about it, there’s really no reason for me to say no, kaya lahat plantsado na—Direk Dom, Carla, a fantastic team to work with, and all I had to do was to make sure the schedule fits and nagpaalam kami sa Eat Bulaga! na on Tuesdays kung puwedeng mag-day-off.

“So okay naman, pumayag naman sila so no problem.”

Unang beses rin nga na katrabaho ni Ryan si Carla na gumaganap sa Ismol Family bilang si Majay.

“Ayos! Ano siya, e. Okay siya, hindi siya kailangan ng unneccessary tsika.

“Basta pagdating niya, ‘Good morning!’ and then like right now, wala siyang eksena, I think she’s resting in the other location.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So walang pressure kasama, napaka-professional, so walang kapruble-problema. So wala nang icebreaker na kailangan, wala nang extra tsika.”

Kahit sa kanilang mga Eat Bulaga! hosts ay walang problema kapag may taping si Ryan.

“Nakaplano lang, kumbaga kami-kaming hosts nag-uusap-usap kung ano yung mga araw na wala kami, kung may mga kailangang gawin.

“Like si Allan [K] ngayon is abroad, so ako ang hindi puwedeng magbakasyon nang matagal. Last week it was Julia’s [Clarete] turn, she was in Bahrain dahil may trabaho naman siya.

“So kailangan nagsasaluhan kami.”



RECOGNITION IN THE U.S. Napag-usapan rin ang isa pang show ni Ryan sa GMA, ang Picture! Picture!

Picture! Picture! has been a slow burn, actually ngayon nga, eto, I just saw Noel Ferrer’s Instagram, e.”

Naka-post sa IG account ni Noel na manager ni Ryan na nabigyan ang Picture! Picture! ng parangal kamakailan.

“Nung una ang plano dapat was, Ismol Family takes over Picture! Picture!’s timeslot. But I think with the new developments now, hindi ko alam yung plano nila. But nagbangko kami ng ekstra hanggang sa makapalit ang Ismol Family but it seems may chance na mag-extend ang Picture! Picture! or for now magpahinga and then bumalik.

“Hindi ko pa alam, e. Pero ‘ayan, e. Certificate for Creative Excellence from the U.S. International Film and Video Festival in L.A,” pagbabasa ni Ryan sa IG account ng manager niya.

May nagtanong naman kay Ryan tungkol kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na kaibigan nila ng misis niyang si Judy Ann Santos.

“Sarah, I’ve worked with, in Bituing Walang Ningning [noong 2006], yung soap opera namin. Matteo hindi ko siya sa showbiz nakilala, e. Nakilala ko sa karera, kare-karera, pero bata pa siya nun, karera ng kotse.

“Kinukuwento ko nga parang nagkasabay pa kami sa grid, motor ang kinakarera ko, siya bata pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ano yun hindi pa kami magkakilala nun, hindi nga niya matandaan, e.

“Pero nagkikita kami recently sa ano naman, sa triathlon. Kasi the team that I trained with iyon, yung team ni Matteo.”

Tinanong si Ryan kung bakit napapadalas ang double date nila nina Judy Ann with Sarah at Matteo.

“Wala naman, nagkakaimbitahan lang, ‘tapos si Sarah works with Juday.”

At parehong taga-Alabang sina Juday, Ryan, at Matteo.

“Oo, Alabang pareho. So, dun din kami nag-eensayo, e. So uma-umaga actually kaming magkasama.”

Napadako naman ang usapan tungkol sa Talentadong Pinoy na show dati ni Ryan sa TV5.

Napapabalita kasi na muli itong ibabalik.

“Well, Talentadong Pinoy will go on, for sure. Nag-usap lang kami nila Ma’m Wilma [Galvante], and nila Noel Lorenzana [of TV5] and Bong Sta. Maria, we spoke with them.”

So tuloy na ba ang pagbabalik ng show na ito?

“Usap-usap muna, exploration. Yes, kasi medyo maganda yung iniwan naming ending ng Talentadong Pinoy so…

“You know, if I’m gonna come back, if we’re gonna come back, the same team, hindi lang naman ako.

“If the whole team comes back, kasi naghiwa-hiwalay na kami ng landas pansamantala, e.

“Direk Rich [Ilustre] napunta sa Bet On Your Baby, si Paolo Bustamante... Kasi tatlo yan, e—si Perci Intalan, who’s out of Channel 5 now, Rich Ilustre, and Paolo Bustamante. Sila yung kausap ko, e.

“Sa original Talentadong Pinoy, kami yung magkakatrabaho sa Philippine Idol.

“Nung una, lima ‘yan, kasama si Direk Mark [Reyes]. Pero si Direk Mark, hindi na siya sumama sa Talentadong Pinoy, so kaming apat na lang.

“So, hiwa-hiwalay na kami, ngayon usap-usap pa rin what’s gonna happen.

“Hopefully it turns out well. Pero maraming paplantsahin pa.

“Pero looking up, looking up naman yung mga ano...”

Malaki ang nagawa ng Talentadong Pinoy sa TV5 bilang isa sa top-rating programs ng naturang TV station.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong napapabalitang babalik ang Talentadong Pinoy, mukhang ito ang sinasabing magbabalik ng glory ng TV5 , ‘ika nga.

“Hindi ano, e... If ever, ang gusto naming, hindi yung glory, actually. Ang gusto naming simulan yung humble beginnings ng Talentadong Pinoy, yung umpisa.

“Yung may perya!” at tumawa si Ryan.

“Alam mo yun, yung may nagsasaksak sa lalamunan ng espada, iyon.

“Hopefully magkatuluyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN