Carla Abellana sees her first sitcom as a nod to her comedic talent

Carla Abellana is proving in her various roles that she is more than just another beautiful face in Philippine showbiz.



Noong bago pa lang sa showbiz si Carla Abellana, para sa marami ay isa lamang siyang magandang mukha pero sa paglipas ng panahon ay napatunayan niya na isa rin siyang mahusay na aktres.

Mahusay nga rin siyang gumanap sa mga mother roles ganung dalaga pa siya sa tunay na buhay.

Ayon kay Carla, “Hindi ko alam! I guess siguro nakasanayan na rin ho.

“Sa umpisa siyempre it was difficult, kung tutuusin my first ever role, Rosalinda, naging mother din eventually.

“Si Rosalinda, dun pa lang mahirap na, but I guess sa five years ko sa showbiz, hindi nawawala sa loob ng isang taon na magpe-play ako ng role ng mother and wife.

“So hindi naman kung sa sanay na pero ano lang… if there’s an opportunity to learn, whether it’s through observing mothers in real life…”

Wala rin daw siyang pinapanood para gayahin in portraying a mother role.

“It’s more of yung mga nakapaligid lang sa akin, my own mother, my sister, yung auntie ko, ganun.

"Kung paano lang sila towards their children, iyon lang yung tina-try kong i-remember.

“Tapos ang naaalala ko lang, isa pa sa nakakatulong is talagang nakikinig ako sa direktor.

"Kahit lalaki pa yung direktor, or bading man siya or what, kung ano yung sinasabi ng direktor kung paano ang isang nanay sa anak, pinapakinggan ko lang.”

Mapa-drama, mapa-horror at ngayon nga sa comedy ay naipakita ni Carla na ibinibigay nito ang best niya.

Aniya, “Salamat po! Kasi iyon naman din yung trabahong ibinigay sa akin, di ba?

"I would like to believe na hindi lang naman nila ako binigyan ng chance or ng opportunity to be an actress just because of my face or my looks.

“Pero siyempre napakalaking opportunity nun coming from... wala e, hindi naman ako yung sumali ng talent search or what.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman pinangarap maging artista.

“So napakalaki ng opportunity na ibinigay nila [GMA] sa akin na they trusted me with something na hindi mo basta-basta puwedeng ibigay sa kahit kanino.

“So iyon lang yung way ko para ibalik yung trust, yung belief nila sa akin na, ‘Patunayan natin na may talent ka din naman.’

“So iyon lang, laging striving lang to show people kung ano pa yung kayang gawin.”

SITCOM. Nakausap ng PEP.ph si Carla sa presscon ng Ismol Family kahapon, June 15, sa GMA Network Center.

Saad niya, “Sana ito na nga, kasi nga I did a movie recently yung So It’s You, rom-com yun.

"First time ko yun masabak talaga sa isang buong proyekto na comedy, e.

“So natutuwa ako na nabigyan ng opportunity para maging part ng isang sitcom naman kasi first sitcom ko ito.

“So sabi ko sige, itutuloy ko lang, sabi ko ito lang, chance ito para ituluy-tuloy.”

Hindi raw niya ito hiniling sa GMA.

“Talagang hindi ko ine-expect na magkaka-sitcom ako so the first time na sinabi sa akin nung manager ko na, ‘May sitcom ka.’ sabi ko, ‘Really, sitcom?’

“So hindi pa ako makapaniwala.

"So in a way thankful ako and I would like to believe na follow-up yun.

"May nakita silang something na ‘Ah kaya mo rin naman palang mag-comedy so sige sitcom ka.’”

Nakatulong rin kay Carla ang paglabas-labas sa Bubble Gang para mas maipakita niya na kaya rin niyang maging komedyana.

Kaya na rin daw niyang kontrolin ang kayang sarili na huwag matawa sa mga eksena nila sa Ismol Family at ma-retake ang eksena.

“Wala pa naman, napipigil ko naman. Pag binabasa ko yung script dun ako natatawa.

"Pero pag sa eksena naman, na bilang halos lahat ng eksena ko camera lang yung nasa harap ko, hindi naman ako natatawa or anything, or nagkakamali.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang si Majay sa Ismol Family, ang OFW na misis ni Jingo (Ryan Agoncillo) at isa siyang isang welder sa Dubai.

Kaya madalas ay via Skype ang mga eksena kunwari ni Carla.

Nag-aral ba siya ng welding?

“Hindi pero sa set, nagwe-welding ako, may mga eksena, merong mga professional doon na naka-standby.”

As in complete welding gear ang suot ni Carla.

“Meron, merong takip ang mukha, may gloves.”

Napakaganda niyang welder.

“Iyon nga yung nakakatuwa dun, that’s one of the many factors of the sitcom kung bakit siya nakakatawa na din.

"Na hindi mo aakalain na babae pa, siya pa yung welder, nasa Dubai.

“E iyon yung ginusto ng character ko, si Majay.”

Pero sa tunay na buhay ba ay kaya ni Carla na maging isang OFW (overseas Filipino worker) na malalayo sa kanyang pamilya sa mahabang panahon?


“Ako, hindi, hindi ko kaya talaga. Ngayon pa lang bilang artista na mas madalas nahihiwalay ako sa family ko, nahihirapan na ako.

“Especially number one, being away from your family and missing so many important events sa family.

"Number two, pag dinadala naman ako ng work ko abroad ang hirap din, sobrang naho-homesick ako.

“So all the more siguro kung hindi ako artista, na mas sanay ako being with them, mas sanay ako na close na close ako sa family ko.

"Tapos biglang lilipat ka ng ibang bansa para magtrabaho.

“So hindi ko makita yung sarili ko na being away from my family bilang OFW.”

JUDAY. Handa na ba siyang pagselosan ni Judy Ann Santos na misis ni Ryan sa tunay na buhay?

“Wow! Ibig sabihin magaling ako pag ganun,” at tumawa si Carla.

“Actually mas handa ako [sa] chance na makapag-guest siya. It’s a possibility, anything is possible naman so…

“I’ve never met her, I only see her, yung ganyan. I only watch her, yung ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ano basta sana mabigyan kami ng chance na makapag-guest siya.”


At ang role pa ni Carla bilang si Majay ay fan ni Judy Ann sa kuwento ng Ismol Family.

“Yes! So yung mga pelikula niya pinapanood ko online, yung mga ganun, so possibility yun!”

Handa ba siyang awayin ng mga Juday/ Ryan fans?

“Ay, hindi naman siguro! Kasi unang-una it’s a sitcom.

“Napakagaan, so hindi naman siguro, hindi naman siguro aabot sa point na yun.”

Sa Ismol Family, bukod kina Carla at Ryan ay nasa cast rin sina Marc Justine Alvarez bilang si PJ Ismol na anak nina Jingo Ismol at Majay Ismol; Miss Carmi Martin bilang si Mama A; Bianca Umali bilang si Yumi; Miguel Tanfelix bilang si Tan-Tan; Kevin Santos bilang si Lance; Natalia Moon bilang Natalia, Mike “Pekto” Nacua bilang si Bobong at si Mikael Daez bilang si Bernie.

Ang Ismol Family ay sa direksyon ni Dominic Zapata at eere na sa June 22, Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN