Carla Abellana reunites with Tom Rodriguez for GMA-7's primetime teleserye My Destiny


Magkatambal sina Carla at Tom Rodriguez sa bagong teleserye ng GMA-7 na My Destiny at ayon sa aktres ay hinango ang tema nito sa nakaraang team-up movie nila na So it’s You.
Saad pa niya, “I wouldn’t say na it’s a continuation of the movie pero parang around that same genre siya, yung So It’s You is a romantic comedy film.
"This is not as funny naman pero papunta po doon na may pagka-rom com, may drama pa rin.”
Kakaiba raw sa lahat ng mga nagawa ng serye ni Carla ang My Destiny dahil nakakarelate raw siya sa kanyang role bilang mapagmahal na kapatid kay Rhian Ramos.
“Oo naman, tayo namang Pilipino basta sa family, lahat ibibigay lahat, gagawin.”
Sa ilalim ng direksyon ni Joyce Bernal, tampok rin sa Kapuso teleserye sina Sid Lucero, Ms. Kuh Ledesma, Al Tantay, Ayen Munji, Ruru Madrid at Ms. Lorna Tolentino.
RELATABLE. Pagsasalarawan pa ni Carla sa kanyang serye, “Ito siguro yung pinakamagaan, pinakasamaya, pinakamakulit and I would say na pinakakilig.
"Kasi sanay ako sa heavy drama, e. Eto malayo sa mga yun.”
Salaysay na ni Carla sa takbo ng kuwento ng serye niya, “Yung character ni Joy [Rhian] unfortunately will be diagnosed with leukemia.
"Tapos among the family member na si Grace [character niya] siya lang yung compatible, siya yung puwedeng mag-donate.
"Si Al Tantay na father namin, I think may hepa [hepatitis] siya, hindi siya compatible sa blood type niya.
"So si Grace, siya lang ang puwedeng magbigay ng bone marrow, ng blood.
“Kasi sa ganyan kapag may nagkakasakit sa family, yung family ang uunahin mo kung sino ang makakatulong.
"Hindi ka maghahanap ng friend.”
May ilang pagkakatulad raw ang character niya sa bago niyang serye sa ibang bagay sa tunay na buhay at pagkatao ayon pa rin kay Carla.
“Yung youthfulness pwedeng nakaka-relate ako.
"Though ang kaibahan lang ni Grace kay Carla, hindi niya alam kung ano ang gusto niya, e. She’s very fickle-minded, undecided.
“Si Carla, alam na niya. She’s determined, organized, alam na niya yung gusto niya.
“Nakaka-relate rin ako somehow kay Grace kasi praktikal siyang tao, matulungin, super-loving sa family at naniniwala sa tadhana, yung may pag-asa.”
Kung hindi ba naging successful yung pelikula ni Tom, posible pa bang magkaroon sila ng second teamup sa TV screen?
“I wouldn’t know, siyempre, management would be the best to answer.
"Although, sinabi na naman nila, hindi pa natatapos yung So It’s You.
"May nababanggit na sa amin yung management ng GMA na there was really a possibility that Tom and I would be working together.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN