Piolo Pascual wants to marry a woman in her twenties



Sa kabila ng tagumpay ni Piolo Pascual sa kanyang career, may hinahanap pa kaya siyang kulang sa kanyang buhay? Nagpaplano pa ba siyang lumagay sa tahimik? Ano ang hinahanap niya sa isang babae matapos ang tatlong taon niyang pagiging single?

“Sa totoo lang, oras. Kasi meron naman, e. Pwede naman. Kung gusto naman, meron, kasi marami naman diyan, e. Kaso nga, anong oras ang ibibigay ko? Habang natutulog ako? Walang oras, e,” tugon niya sa Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Hulyo 17).

Bagamat aminado si Piolo na hindi niya kayang paglaanan ng oras ang kanyang buhay pag-ibig, ibinahagi naman ng heartthrob na gusto niya pa ring ikasal at magkaroon pa ng mga anak bukod sa 17-taong-gulang na si Iñigo.

“Gusto ko pang mag-asawa. Gusto kong maka-apat pang anak. Mahilig ako sa bata, e. Siyempre gusto ko naman makasama ko ‘yong mapapangasawa ko sa lalong madaling panahon,” kwento ng 37-year-old actor.

Nang usisain tungkol sa katangian na hinahanap niya sa mapapangasawa, sagot niya, “Sana 20s. Ambisyoso? Bakit? Gusto ko pang apat na bata, kapag 30 lagot. Sana nasa mid-20s,” sabi niya. “Kaya naman pinapanitili ko ‘yong pagiging aktibo kasi gusto ko pang matamasa ‘yong oras ng magiging mga anak ko kahit pa lumalaki na sila. Kagaya na lang ni Iñigo. Marami kaming ginagawa na magkasama.”

Samantala, malayo sa madalas niyang pagganap bilang leading man sa mga romantic comedy, magbabalik na si Piolo sa primetime sa pamamagitan ng Hawak Kamay bilang ama-amahan sa apat na bata mula ampunan simula sa Lunes (July 21).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN