The TNT Boys fail to enter The World's Best final round

The TNT Boys will become mainstays of the ABS-CBN Sunday variety show ASAP Natin 'To after being eliminated from The World's Best.



Nagwakas na ang pakikipaglaban ng TNT Boys sa U.S. talent show na The World's Best noong March 6, 2019.

Hindi na makakaabante sa finals ang trio from the Philippines na binubuo nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, and Kiefer Sanchez dahil natalo sila ng American a cappella group na Naturally 7.

Pinerform ng Naturally 7 ang song na "Fix It" samantalang ang TNT Boys ay inawit ang Jessie J. song na "Flashlight."

Kahit na "flawless" ang pag-awit ng TNT Boys ng song na "Flashlight" hindi raw iyon enough para makaabante sila.

Ayon sa rules of the competition ng TWB, ang mga acts ay magkakaroon ng score mula sa American judges at mula sa "Wall of the World" judges. 

Ang tatlong American judges—sina actress Drew Barrymore, singer Faith Hill, and RuPaul Charles—ay may chance na nagbigay ng 50 points sa bawat act at kukunin ang average ng kanilang mga scores. 

Ang susunod na magvo-vote ay ang tinatawag na "Wall of the World" featuring 50 experts from every field of entertainment. Boboto sila upang i-determine kung makakapasok sa susunod na round ang bawat act. Each vote is equivalent to one point.

Kasama sa naturang "Wall of the World" ay ang representative ng Philippines, ang Concert Queen na si Pops Fernandez.

Collectively, ang nakuhang score ng TNT Boys mula kina Barrymore, Hill, and Charles ay 49 points. Ang naging final score nila ay 67, samantala ang Naturally 7 ay nakatanggap ng 75 points.

Sa simula pa lang ng pag-perform ng TNT Boys sa TWB, namangha na ang mga judges na sina Barrymore, Hill at RuPaul sa pinakita nilang vocal prowess.  

Para sa kanilang audition, kinana nila ang "Listen" ni Beyonce at sa second apperance nila sa show, kinanta nila ang "And I Am Telling You I'm Not Going" mula sa musical na Dreamgirls.

"When you have a show called The World's Best, that's a very high bar to set and you guys just reach it every time if not surpass it," sabi ni Drew sa young trio.

Sinabi naman ng TWB host na si James Corden sa kanila: "Every single person who has watched you perform on this show, you have moved them and changed them, and this is the start of an incredible journey."

Noong February, nag-guest ang TNT Boys sa talk show ni Corden na The Late, Late Show with James Corden kunsaan sinorpresa niya ang trio sa paglabas ng idolo nilang si Ariana Grande.

Dahil ang Naturally 7 ang nanalo sa division na iyon, mag-uuwi sila ng $50,000 at may spot na sila para sa overall finals ng The World's Best.

Ano ang susunod na gagawin ng TNT Boys?

Ayon sa report ng ABS-CBN News, magkakaroon sila ng World Tour, magkakaroon sila ng bagong recording, at magiging mainstays na sila ng ABS-CBN Sunday variety show na ASAP Natin 'To. 






  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN