Did John Estrada try to prevent Mylene from transferring to GMA-7?

IMAGE Noel Orsal


Pagkatapos ng kanilang slapping controversy noong 2018, magkasama uli sina John Estrada at Mylene Dizon sa isang TV network: ang GMA-7. 

Ano ang reaksiyon ni John na tulad niya, mula sa pagiging Kapamilya ay Kapuso na rin ngayon si Mylene?

Sagot ng aktor, "Sinabi sa akin yun, at ako naman, e… may pamilya yung tao, siyempre naman, e, hindi naman tayo...

“I mean, siyempre, trabaho 'yan, e!

“I’m sure kailangan niya ng trabaho, di ba?"

Matatandaang February last year ay kumalat ang balitang nagkaroon ng gulo (na umabot diumano sa sampalan) sa pagitan nina Mylene at John sa set ng The Good Son kung saan pareho silang artista.

Namatay ang karakter ni John sa naturang ABS-CBN teleserye, at Mayo ng nakaraang taon ay lumipat si John sa GMA Network.

Sa kasalukuyan, bilang Kapuso ay napapanood si John sa Kara Mia nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Si Mylene naman, matapos ang apat na taon ay nagbabalik sa GMA-7. Isa siya isa sa cast members ng Sahaya na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Incidentally, show rin nina Bianca at Miguel ang huling show ni Mylene sa GMA-7, ang Once Upon A Kiss (noong 2015), bago ito bumalik sa ABS-CBN.

Paano nalaman ni John na nasa GMA-7 na muli si Mylene?

“May mga tumawag sa akin. Wala namang…”

Ano ang una niyang reaksiyon?

“Artista din lang po ako.”

May nagbiro kay John during the interview: hindi ba niya hinarang ang pagbabalik ni Myene sa GMA-7?

“Hindi… hindi po tayo ganun!” at tumawa si John. “Wala po tayong ganyan.

“I’m too blessed to do that.

“Hindi po tayo ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa special screening ng The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story, sa Cinema 3 ng SM City sa Lipa, Batangas, kagabi, March 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kapag naisipan ng GMA-7 na pagsamahin sina John at Mylene sa isang TV project?

“Huwag na siguro,” ang mabilis na sagot ni John.

Iyon ang ayaw niya?

“Hindi naman sa ayaw, pero huwag na, di ba? Andami naman diyan na puwede niyang makasama at puwede kong makasama, di ba?”

Ang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story ay sa ilalim ng direksyon ni Ceasar Soriano (at sa produksyon ng  GreatCzar Media Productions). Mapapanood ito sa mga sinehan simula May 22.

Dito ay ginagampanan ni John ang papel ng yumaong alkalde ng Tanauan, Batangas, na si Mayor Antonio “Thony” Halili. Siya ay pinaslang noong July 2, 2018 sa flag-raising ceremony sa mismong harap ng munisipyo ng Tanauan.

Bukod kay John ay nasa pelikula rin sina Ara Mina bilang Gina Halili; Ceasar Soriano as himself; Michael Flores as Mark Halili; Phoebe Walker as Angeline Halili; JM Soriano as the Anti-Crime Head; Martin Escudero as the teen Thony; Kate Alejandrino as teen Gina; Zandra Summer as Nancy; Yayo Aguila as Thony’s mother; Mon Confiado as Thony’s father; at Kenneth Paul Cruz as Howard Halili

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tampok din dito sina Noel Comia Jr., Archie Adamos, Edwin Reyes, Mark Dionisio, Rion Sandoval, at Kiko Matos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN