Miyembro ang isang 16-year-old Filipino-Irish girl sa dance group na nabigyan ng standing ovation mula sa mga judges ng Ireland's Got Talent.
Si Nicole Marie dela Cruz Fowler ay kabilang sa grupong Hip Hopical na binubuo ng 38 members.
Nagpakitang gilas ang mga miyembro sa pagsayaw ng hip-hop na hinaluan ng fairy tale at musical theater. Naging concept nila ang The Wizard Of Oz.
Ang ama ni Nicole ay ang Irish jeweler na si David Fowler at ang ina niya ay si Maria dela Cruz na isang nurse na taga-Jolo, Sulu na nag-migrate to Ireland noong 2000.
“Dancing makes me feel happy, and through it I can express my feelings better," pahayag ni Nicole sa isang interview with ABS-CBN Europe News Bureau.
Nasa secondary school at gustong maging isang "dancing architect."
Ayon sa ina ni Nicole: "Maagang nagsimulang sumayaw si Nicole. She was actually dancing already before she learned to walk."
Dahil sa hilig ni Nicole sa pagsayaw, in-enroll siya ng kanyang parents sa Born 2 Perform Stage School noong 8 years old pa lang ito. Dahil dito, na-develop ang dance skills niya sa jazz, tap, musical theater, at hip- hop.
Sa katapusan ng buwan ay malalaman kung ang dance group ni Nicole ay makakapasok sa semi-finals.
Ang mga judges ng Ireland’s Got Talent ay sina Louis Walsh, Michelle Visage, Jason Byrne, at Denise Van Outen.