Ang dating '90s teen star na si Ana Roces ang isa sa mga kasama sa cast ng bagong GMA-7 serye na Sahaya.
Bilang si Irene, si Ana ang magiging kontrabida sa buhay ni Manisan na gagampanan naman ni Mylene Dizon.
Lahad niya, “Parang ganun, kasi mainit ang dugo ko kay Sahaya.”
Si Irene ang asawa ni Harold na gagampanan naman ni Zoren Legaspi, at anak naman nila si Lindsay na gagamapanan naman ni Ashley Ortega.
Si Ashley ang ka-love triangle ng bidang si Sahaya (Bianca Umali) at Ahmad (Miguel Tanfelix).
FIRST KONTRABIDA ROLE
Sa Sahaya ay unang beses magiging kontrabida si Ana.
Kuwento niya, “Lagi akong mabait na mom ever since I started doing mother roles.
“I’m excited kasi siyempre this is the first teleserye of Direk Zig Dulay, so he’s very mabusisi.
“Excited ako kasi he’s very mabusisi and very meticulous.
“Yung sa shots niya, he’s so ano... talagang very into details
“So we had a look test, so meron siyang mga gusto na mga tingin-tingin from me.
“So yun, I’m excited na to be able to deliver yung mga gusto ni Direk.”
Per project ang kontrata ni Ana sa GMA-7, at si June Rufino ang kanyang manager.
HANDS-ON MOM
Bukod sa pagiging artista ay hands-on din si Ana bilang ina sa kanyang dalawang anak na sina Mela at Maty
Saad niya, “I have two kids.
“I have a 14-year old girl, she’s in grade 9, 'tapos 8-year old boy, grade 3.
“Ayun, exam na nila.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ana sa grand mediacon ng Sahaya nitong nakaraang Martes, March 12 sa Matrix Creation Events Venue sa Malakas St., Quezon City.
SHOWBIZ PLANS FOR KIDS?
Wala bang nagpapakita ng interes sa showbiz sa dalawa niyang anak?
“Wala, pero yung daughter ko meron silang play sa school, so uma-acting-acting siya dun, kumakanta-kanta,” pagmamalaki niya.
Papayagan naman daw nila ng mister niya kung sakaling nais ni Mela na sundan ang mga yapak ni Ana.
Pero maaaring maging hadlang daw ang pagka-strict ng paaralan ni Mela.
Paliwanag niya, “Ano naman siya e, yung school bawal.”
“Oo, bawal, bawal talaga.”
Si Maty naman daw ay hindi nagpapakita ng interes mag-artista.
“Hindi, pero nag-commercial na yun, ha?
“Pinalabas sa Malaysia.
“Actually, alam mo yung Lactum ni Juday [Judy Ann Santos] tsaka ni Lucho?
“They shot the exact same version.
“My son shot the exact same version, pero iba yung mom, pero Sustagen
“Sa Malaysia kasi, Lactum is Sustagen.
“Pero same—same set, same production, same talaga lahat,” kuwento niya.
LUCKY TO HAVE OPEN-MINDED HUSBAND
Kasal si Ana sa corporate lawyer na si Trandy Baterina.
Aniya, “Matagal na, 2012.”
Wala bang pagbabawal ang asawa niya sa mga ginagawa niya bilang artista?
Sabi niya, “Well, ayaw niya siyempre yung mga pa-sexy.
“Kaya lang, di ba, wala naman ngayon sa mga teleseryes?
“Wala namang mga ganyan because, of course, MTRCB is also strict.”
BUSINESS VENTURE
Bukod sa pagiging aktres, asawa at ina, may isa pang business venture si Ana.
Aniya, “I’m launching with two of my friends, si Happy Ongpauco and si China Jocson, former journalist here in GMA.
“We’re launching this finishing center that offers capsule programs on etiquette, social graces, personal and professional image development. It's called Mini Manners.”
Para siyang John Robert Powers?
Dagdag niya, “Well, yeah. Parang ganun. But eto naman, it’s more on mini capsules, short courses.
“We’re launching for kids, but we also have adults.
“Usually kasi, di ba, I’ve been doing image development training? I’ve been training, e.
“So parang ano ‘to, nag-evolve. So this one is more for children.”
Ngayong Sabado, March 16, ang launch ng Mini Manners.
“We have locations in Makati and in San Juan,” pagtukoy ni Ana sa mga training centers nila.
Nasa Sahaya rin sina Migo Adecer bilang Jordan; Eric Quizon as Hubert; Pen Medina as Panglima Alari; Debra Liz as Babu; Juan Rodrigo as Bapa; at si Snooky Serna as Salida.
May special roles sa pilot week sina Benjamin Alves as Aratu; Gil Cuerva as the young Harold; Karl Medina as young Alari at si Jasmine Curtis-Smith as the young Manisan.