Ryza Cenon clueless about Angel Locsin walkout

by Rommel Gonzales
Mar 16, 2019
Ryza Cenon admits to being clueless about Angel Locsin's controversial walkout on the set of The General's Daughter some weeks back.
PHOTO/S: Noel Orsal

Okay naman po.

Alam mo, in fairness naman po,” sagot ni Ryza Cenon sa pangungumusta namin sa kanya bilang Kapamilya.

Halos isang taon na mula noong lumipat si Ryza sa bakuran ng ABS-CBN galing sa GMA-7.

Nakapag-adjust na raw siya.

Medyo.

In fairness po kasi sa kanilang lahat, mapa-staff or artista po, sobrang warm nung pag-welcome nila sa akin.

Ang bait nila, wala akong naramdaman na mabigat,” lahad ng aktres.

May mga kaibigan ba siya mula sa GMA na hanggang ngayon ay nakakasama o nakaka-bonding niya?

Pagklaro niya, “Nakakausap, pero hindi ko nakakasama.

Sila LJ [Reyes], sila Chynna [Ortaleza], Chariz [Solomon], ‘yang mga ‘yan.”

Isa't kalahating taon pa ang itatakbo ng two-year contract niya sa Dos.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa Paket Santiago Funeral Homes, Antipolo City, sa burol ng komedyanteng si Chokoleit noong nakaraang Martes, March 12.

Continue reading below ↓

ANGEL'S WALKOUT

Samantala, naging issue ang pagwu-walkout ni Angel Locsin sa set ng The General’s Daughter (noong February 15) kaya tinanong namin si Ryza tungkol dito.

Ay, wala po ako nun!

“'Yan yung wala kayong mapapala sa akin,” sabay tawa si Ryza.

Sorry po, dahil po… swear to God 'to, ha?

Wala po ako dun.

Tulog po kasi ako, paggising ko wala na.”

Tulog siya pero naroroon siya sa set?

Pakli niya, “Andun po ako sa dressing room.”

Ano ang narinig niyang usapan tungkol sa isyu?

Paglinaw niya, “Wala akong narinig, as in wala po akong alam.”

Anong oras ba iyon naganap?

Hindi ko rin alam kung anong oras nangyari yun,” diin niya.

Anong oras natulog si Ryza?

Hapon po, after lunch,” estima niya.

Nagte-taping naman na si Angel para sa show.

Nag-taping na rin naman po.”

Continue reading below ↓

Hindi ba napag-usapan nina Ryza at Angel ang tungkol sa nangyaring walkout?

Tugon niya, “Hindi, hindi ko na tinanong, ayoko ng…”

Ano ang madalas na pinagchi-chikahan nila ni Angel?

Yung mga eksena lang po.”

Walang personal?

Giit niya, “Wala po.”

Wala raw talaga siyang alam sa isyu.

Kumusta yung mga sumunod na araw?

Normal lang po, normal na taping.”

May tsika na kay Ryza na daw mapupunta ang focus ng kuwento?

Natatawa niyang tugon, “Ay, hindi po! Hindi naman!

Grabe naman yung issue, ha! Grabe yung issue na yun!”

May nagbiro na si Ryza na ba ang general’s daughter?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi po, hindi po!

Grabe! Nag-iisa yun, nag-iisang Angel Locsin! Hindi ko naman… grabe naman!”

So magtatagal pa ang The General’s Daughter?

Paninigurado niya, “Yes.”

Hindi maka-cut short dahil sa mga problema diumano?

Continue reading below ↓

Hindi! Wala naman, e. Hindi naman po big deal.”

Wala silang problemang dalawa ni Angel?

Wala naman po.”

Sigurado si Ryza?

Yes! Grabe kayo! Hahaha!”

Magkatsika naman sila sa set.

Opo, same-same.”

Okay sila ni Angel?

Opo.”

Walang problema?

Wala.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon admits to being clueless about Angel Locsin's controversial walkout on the set of The General's Daughter some weeks back.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results