Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Teejay Marquez to host It’s Showtime Indonesia?

by Arniel C. Serato
Mar 20, 2019
Teejay Marquez hopes to join It's Showtime Indonesia.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa March 25 na magsisimula ang It’s Showtime Indonesia. Ang nakakuha ng franchise mula sa ABS-CBN ay ang Indonesian TV station na MNCTV.

Ayon sa mga balita, kinukunsidera daw maging isa sa mga hosts ng Indonesian franchise ay ang Pinoy actor na si Teejay Marquez.

Sikat sa mga kabataan sa Indonesia ang Pinoy star. Kasama si Teejay sa cast ng Siapa Takut Jatuh Cinta (STJC), ang Indonesian remake ng Taiwanese drama series Meteor Garden.

Ginampanan niya ang role ni Sean, isa sa miyembro ng F4.

Lahad niya, “Well, tinawagan lang ako tapos sabi nila, they’re looking na since may Ryan Bang [sa It's Showtime] dito, parang mas maganda kung may Pilipino din.

“Ako naman, siyempre sabi ko, 'Pag andun ako, araw-araw yun.

"So ako, happy ako na na-consider ako but yung management ang nakakaalam and kung ano man yung magiging result, susundin ko kasi second home ko na yung Indonesia."

Continue reading below ↓

Under negotiation pa daw ito pero para sa manager niya na si Arnold Vegafria, hindi pa daw ito final hanggang wala pa silang pinipirmahang kontrata.

Sabi niya, “Under negotiation pero hindi natin alam, baka parang Hashtag, papasok lang sila on the middle.

"Ako naman opportunity is an opportunity at saka to represent our country for the second time."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Alam ba niya kung malaki ang network na nakakuha ng franchise?

Tugon nito, "Marami kasing tao sa Indonesia so talagang milyon, doble talaga yung [viewers ng] network."

Sa ngayon, nasa may 265 milyon katao ang populasyon ng Indonesia.

Dagdag pa niya, “Hindi naman normal, yung hindi pa masyadong sikat [na artista] milyon na, e, yung sikat na sikat 30 million, 40 million followers sabi ko, ‘Wow iba yung market nila.’

“Wala kasi sila [hilig] doon sa Facebook. May Facebook pero Instagram talaga sila.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teejay sa story con ng pelikulang G! LU kahapon, March 19.

Continue reading below ↓

Nakatakda itong ipalabas sa darating na Hunyo mula sa ALV Films, Benchinko Films, at Rein Entertainment.





Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez hopes to join It's Showtime Indonesia.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results