Dante Gulapa begs off guesting stint on Ang Probinsyano

IMAGE Courtesy of GMA-7 / One 690


Tinanggihan ni Dante Gulapa ang paglabas sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

“Gusto kasi siyang itali ng teleserye ni Coco Martin.

"Ayaw ng asawa niyang si Emeline, na siyang road manager niya," sabi ng adviser nilang si Wilbert Tolentino nang maka-chat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Marso 21, Huwebes ng hapon, sa Messenger.

Si Wilbert ay Mr. Gay World Philippines 2009 at ex-manager ni Mader Sitang.

Close siya sa mag-asawang Dante at Emeline.

Sa feature ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Pebrero 24 kay Dante, inamin ni Emeline na tutol ito noong una sa videos na pinu-post ni Dante habang nagma-macho dancing.

Tatlong babae kasi ang mga anak nila.

Nagulat si Emeline na nag-viral iyon, kaya hinayaan na lang niya ang 39-anyos na mister.

Gulpanatics o Daigonatics ang tawag sa fans ni Dante.

Tinagurian naman si Dante na "Big Daddy," "Big Papa," "Mr. D," "Eagle Man."

FORMER MACHO DANCER

"Master Daigo" ang stage name ni Dante noong macho dancer ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATW (all the way) pag nagsasayaw si Dante dahil hindi ito kaguwapuhan.

Pinasikat ni Dante ang Eagle Pose, Flying Eagle, o Eagle Dance.

Kuwento pa ni Wilbert, “Kung noon, e, baon sila sa utang, walang makain, pinutulan ng kuryente at tubig, ngayon ay kabi-kabila na ang mga raket ni Dante.

“Nagso-show siya sa Padi’s Point. Iniikot niya ang 26 branches ng Padi’s Point, hanggang Baguio yata...

“Pero nakakapanghinayang iyong sa Ang Probinsyano. Magandang exposure iyon.

"Sana, magawan ng paraan."

Noong Marso 15, Biyernes, ay itinampok si Dante sa big night presentation ng One 690, Roces Avenue, Quezon City, na "The Eagle Returns Home."

Kinabukasan, Marso 16, Sabado, nagpasiklab naman si Dante sa Apollo, Roxas Blvd., Baclaran, Parañaque City.

“Macho dancer noong 1990s si Dante sa 690 Retiro,” lahad pa ni Wilbert, na may-ari ng One 690 at Apollo.

“Halos lahat ng gay bar, inikot niya noong kabataan niya.

“Sa mga gay bar na inikutan niya noon, 690 na lang ang natirang buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inspirational ang life story ni Dante, na aminadong nalulong sa droga, alak, babae at yosi, at pinabayaan ang pamilya sa loob ng dalawang taon.

Tumigil si Dante sa kanyang mga bisyo noong naubos ang kanyang pera.

Dumulog siya sa Panginoon at halos araw-araw na nagdasal.

Mula sa pagtitinda ng sariling laman, unti-unti siyang nakabangon sa pagtitinda ng tocino at longganisa, hanggang maging online sensation siya dahil sa videos niya habang nagma-macho dancing.

Mapapanood ang episode na "Viral Macho Dancer (The Dante Gulapa Story)" sa Magpakailanman sa Marso 23, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Tampok dito sina John Kenneth Giducos bilang batang Dante, Jak Roberto bilang binatang Dante, at si Dante Gulapa as himself. Nasa cast din sina Rich Asuncion at Maureen Larrazabal bilang Emeline, Vangie Labalan bilang Lola Delia, Analyn Barro bilang Edna, Kevin Sagra bilang Michell, at Orlando Sol bilang Bong.

Idinirek ito ni Conrado Peru, mula sa panulat ni John Roque, at pananaliksik ni Cynthia delos Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN