Neil Ryan Sese on being a Kapuso: "Dito kasi... walang stress, magaan lang."

IMAGE Noel Orsal

Actor Neil Ryan Sese has been a Kapuso for over six years now, and he's loving it!


Anim na taon na sa GMA-7 ang aktor na si Neil Ryan Sese.

Ano ang pinakamagandang parte sa pagiging Kapuso?

“Dito kasi, parang, ewan ko... walang stress, magaan lang," sabi ni Neil Ryan nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Bihag nitong Marso 25, Lunes, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

“Yung mga boss mo, parang mga kaibigan mo lang. Alam mo yun?

“Sobrang magaan lang silang kasama.

“Alaga ka nila, pag sinabi mong, ‘Ma’am, kailangan ko ng show,’ after ilang months, weeks, meron na.

“Yung parang ganun, madali silang kausap.”

NEIL RYAN SESE AS A FATHER

Ang bagong show ni Neil Ryan sa Kapuso network ay ang afternoon drama series na Bihag.

Tungkol ito sa pagmamahal ng isang ina (Max Collins) sa kanyang anak (Raphael Landicho).

Ang karakter ni Neil Ryan na si Amado ay handang pumatay para sa kanyang anak.

Sa tunay na buhay ay kaya rin daw ni Neil Ryan na manakit ng iba kapag may ginawang masama sa kanyang pamilya o anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, talaga. Huwag naman sanang mangyari, pero talaga, tingin ko, capable ako… di ba?

“Kapag nakakapanood ako ng mga news, pero huwag naman sana sa akin.”

Sobrang mapagmahal na ama sa tunay na buhay si Neil Ryan.

“Parang lahat, gagawin ko para sa kanila. Totoo yun, e,” sabi niya.

“Dati, parang cliché lang siya pag narinig mo na, ‘Okay na kumain kayo, kahit ako, hindi.’

“Dati, parang nababaduyan ako dun, pero noong tatay na ako, totoo siya, e.

“Una mong papakainin yung anak mo bago ikaw.”

Mapapanood ang Bihag simula Abril 1, Lunes ng 3:25 PM, pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA-7.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN