Rita Daniela bids farewell to Aubrey character via emotional post

Kapuso actress Rita Daniela posts an emotional message on Instagram as she bids farewell to her well-loved Aubrey character from the top-rating GMA-7 afternoon series, My Special Tatay: "Aubrey, you changed my life."


Nag-post ng isang emotional message ang Kapuso actress-singer na si Rita Daniela bilang pamamaalam niya sa kanyang character na si Aubrey sa GMA Afternoon Prime teleserye na My Special Tatay.

Nag-final episode na ang My Special Tatay noong nakaraang Friday, March 29.

Para kay Rita, ang role na Aubrey ang pinakamahal niya sa mga characters na nagampanan niya sa TV.

Naikuwento nga noon ni Rita na muntik na niyang hindi makuha ang role na Aubrey dahil dalawa silang pinagpilian noong mag-audition siya.

Pero blessing daw na siya ang napili over the other actress.

Hindi rin daw siya ang talagang leading lady ni Ken Chan (who plays Boyet) sa My Special Tatay kundi si Arra San Agustin (who plays Carol).

Pero dahil mas bumagay daw ang worldly character ni Aubrey sa innocence ni Boyet, naka-relate ang marami hanggang sa mas inaabangan na ang mga eksena nila Rita at Ken.

Doon na raw nabuo ang loveteam nila na "BoBrey" at sinundan ng kanilang fans ang pinagdaanan nilang mga pagsubok sa buhay at pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya sa pagtapos ng My Special Tatay after seven months, hindi mapigilan ni Rita na magpasamalat sa kanyang character na si Aubrey dahil malaki raw ang nabago nito sa kanyang buhay at maraming nagbukas na opportunities para sa kanyang career.

Heto ang post ni Rita sa Instagram:

ACTING AWARD

Dahil sa role na Aubrey, first time na manalo si Rita ng acting award mula sa Gawad Tanglaw bilang Best Lead Performance by an Actress in a TV Series.

“First time ko pong ma-nominate at manalo ng Best Actress.

“Feeling ko aktres na aktres na ako!” tawa pa ni Rita sa interview niya sa 24 Oras.

CONCERT

Dahil in-demand ang BoBrey loveteam, magkakaroon sila ng sarili nilang concert ni Ken titled My Special Love #BoBreyInConcert sa Music Museum on May 11.

Isa sa aawitin nila ay ang hit duet nila na "Almusal."

Makakasama rin ang BoBrey loveteam sa series of shows sa US in June ng GMA kasama sina Mark Bautista, Julie Anne San Jose, Christian Bautista and Lani Misalucha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN