Sophie Albert levels up her kontrabida game in Bihag

IMAGE Noel Orsal

Sophie Albert describes her kontrabida role for Bihag: “Hindi siya masyadong lovable. Dito talagang full-force na kontrabida."


Pagkatapos sampal-sampalin ni Carla Abellana sa Pamilya Roces ay si Max Collins naman ang mananampal nang bongga kay Sophie Albert.

Pangalawang beses nang isang kabit ang role ni Sophie.

Sa Pamilya Roces ay “kumabit” siya kay Rocco Nacino at sa Bihag naman bilang si Reign ay mauugnay siya kay Jason Abalos (as Brylle) na asawa ni Max (as Jessie).

Hindi raw takot na ma-typecast si Sophie sa other woman roles.

“No naman. As long as there’s work, why not, di ba?”

Mas challenging nga raw para sa kanya ang ganitong klaseng role.

“And actually because nga TV, I’m not so worried about the scenes kasi nga it’s still gonna be wholesome.

“Hindi naman siya talagang intense or super-sexy,” paninigurado niya.

KONTRABIDA ROLE

At kahit magmula noong lumipat siya sa GMA-7 at kontrabida (o kabit) ang roles niya, wala pa naman daw fans na nang-away sa kanya kapag nakikita siya sa mga pampublikong lugar tulad ng mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapasalamat niya, “Hindi pa naman nangyari.

“I guess siguro sa Pamilya Roces kasi kahit kontrabida siya nabigyan namin ng… medyo lovable pa rin siyang kontrabida.

“This one [Bihag] is different, though.

“Hindi siya masyadong lovable.

“Dito talagang full-force na kontrabida.

“So let’s see. First time, first time.”

CHARACTER PEGS

May pinanood ba siyang mga pelikula para paggayahan ng papel ni Reign.

Lahad niya, “Hindi naman gaya, but more on I really had to get into the mindset of somebody who’s obsessed.

“So, I watched a lot of documentaries of people who are obsessed and people who have medyo may pagka personality disorder.

“Kasi pag binabasa mo yung story, hindi siya gagawin ng taong nasa normal na pag-iisip.

“So, I have to really get myself into the character na medyo not in the right state of mind.”

Sa tunay na buhay ay hindi pa naman daw naranasan ni Sophie na ma-obsess sa kahit na kanino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Sophie tungkol sa karakter niyang si Reign sa Bihag.

“Ibang level of obsession, medyo dark obsession.

“Like for Reign, it’s more, ‘If you’re not with me, I will make your life miserable!’

“And in real life meron talagang mga tao na ganoon!

“And will go thru any length to make the life of the person they’re obsessed with miserable.

“Marami akong napanood na documentaries na ganun, and also Fatal Attraction, The Hand That Rocked The Cradle also, The Nanny.

“Very innocent looking siya and all, pero yun pala, pamatay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sophie sa mediacon ng Bihag nitong Lunes, March 25 sa 17th floor ng GMA Network.

Nasa Bihag din sina Raphael Landicho bilang Ethan, Neil Ryan Sese bilang Amado at Mark Herras bilang SPO1 Larry Pineda.

Ang Bihag ay sa direksyon ni Neal del Rosario; mapapanood na ito simula Lunes, April 1, pagkatapos ng Dragon Lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN