Tom Rodriguez not too concerned with TV ratings

by Rommel Gonzales
Apr 1, 2019
For Kapuso actor Tom Rodriguez, TV ratings, whether afternoon or prime time, don't really matter: “Sa akin it’s no different, e. For me it’s the same."
PHOTO/S: Noel Orsal

Tinanong namin si Tom Rodriguez kung pareho rin ba ang dedication at passion niya kung panghapon man o primetime ang show niya.

Lahad niya, “Sa akin it’s no different, e.

“For me it’s the same.

“As long as I’m there working with brilliant people, with people who are just as excited and just as passionate to be where they are, I already feel like a winner.

“Sa akin hindi ko inisip yung…

“I know it’s siguro bad of me to think about it, pero hindi naman sa dini-disregard ko yung rating, coz I know that it’s important.

“Pero since it’s not something I directly have influence over, I mean kung ano lang naman yung trabaho ko, iyon lang makakaya kong gawin, e.

“So dun lang ako nagpuo-focus, so nagpu-focus ako sa kung ano yung mae-enjoy ko.

“Iyon nga, itong team na napakagaling at napaka-passionate sa ginagawa nila.

“Sobrang excited ako na makasama sila, ganun kababaw yung iniisip ko usually when I’m preparing for a show.

Continue reading below ↓

“So whether it’s primetime or afternoon, for me it’s the same level of stakes and passion.”

Sa Dragon Lady ay gumaganap si Tom bilang si Michael Chan at si Janine dito si Celestina Sanchez.

Nasa cast rin sina Joyce Ching [as Astrid Chua], Diana Zubiri (as Almira Sanchez), at James Blanco bilang Bryan Atienza.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, nasa Dragon Lady rin sina Maricar de Mesa bilang Vera Lim-Chua, Edgar Allan Guzman as Goldwyn Chen, Odette Khan as Doray, Dexter Doria as Philippa Chua, Lovely Abella as Ginger Garcia, at Julie Lee as Lotus.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Dragon Lady Huwebes ng gabi, February 28, sa Shangrila Finest Chinese Cuisine Restaurant sa Quezon Avenue.

SHAPING UP FOR HIS ROLE

Passionate si Tom sa kanyang acting career kaya bukod sa pag-aaral ng Mandarin ay nag-aral siya ng rowing.

May eksena kasi sa Dragon Lady na nasa isang rowing competition siya.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “One day lang, kasi humingi ako sa GMA na kung puwede akong mag-immerse sa kanila.

“Pinagbigyan ako, yun nga lang the next day nag-taping na kami.”

Na-enjoy ni Tom ang rowing.

Bulalas niya, “Sobra! Hindi ako nakagalaw nung second day, gumugulong akong parang uod sa kama!”

Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay itutuloy ni Tom ang rowing bilang regular sport activity niya.

“Gusto ko sana.

“Medyo inaano ko kasi grabe kapag nasa ilalim ka ng araw dun.

“Kahit naka-sunblock ka hindi tumatalab,” at tumawa si Tom.

Ready din si Tom sa shirtless scenes niya sa Dragon Lady.

“Kasi ngayon naka-keto diet na ako.

“So far, parang okay naman sa akin.

“Ang hirap lang ng walang... ang dairy bawas, tsaka yung mga carbs talaga,” hinaing niya.

Nakakatulong din daw sa allergy ni Tom ang keto diet.

Patuloy niyang kuwento, “I initially thought na since I have to prepare for a new role, I have to lose weight.

Continue reading below ↓

“At the same time, it might help me with my atopic dermatitis, yung allergies na meron ako.

“Sabi nila, since lately medyo umaano siya nung umuwi ako ng Pilipinas galing sa States, nagpe-flare up, sabi daw a keto diet is ano... kasi carbs is very inflammatory, e.

“So nakaka-inflame yung ano, nakakamaga yung mga rice, kahit mga quinoa.

“So for me daw, baka makatulong.”

Bago magsimula ang taping nila para sa Dragon Lady ay nagbakasyon sa Amerika si Tom.

Any wedding bells para sa kanila ni Carla Abellana this year?

“Ahh... I don’t wanna put a definite date to it, pero working up to it.”

This year kaya?

“Secret,” natatawa niyang hirit.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For Kapuso actor Tom Rodriguez, TV ratings, whether afternoon or prime time, don't really matter: “Sa akin it’s no different, e. For me it’s the same."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results