Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Meet Eat Bulaga's BakClash winner Echo Calingal

by Ruel J. Mendoza
Apr 1, 2019
Echo (whose real name is Jerricho Calingal) of Tondo is named BakClash winner on Eat Bulaga.

Ang Indi Diva na si BakClash Echo o Jerricho Calingal ng Tondo, Manila ang nagwagi bilang ultimate BakClash Diva sa March 30, 2019 episode ng Eat Bulaga.

Nauwing premyo ni Echo sa BakClash Final Showdown ay cash prize na P300,000.

Si Echo lang ang hindi naka-gown sa anim na finalist. Hindi rin pambirit ang napili niyang awitin na “I Who Have Nothing” ni Tom Jones. Kaya laking gulat niya na siya ang tinanghal na BakClash Diva.

Nanalo si Echo with a score of 94.88 mula sa mga judges na sina Danny Tan, Renz Verano, Mark Bautista, Jessa Zaragoza, Audie Gemora, at Arnel Pineda.

Ang naging criteria ay: Taray sa kantahan (40%), Tindi sa bakclashan (40%), at Feel na feel na performance (20%).

Tinalo ni Echo ang ibang contestants na sina EJ Salamante a.k.a. BakClash EJ the Sleeping Diva na inawit ang “Listen”; Allan Ng a.k.a. BakClash Yvonna the Bouncer Diva na inawit ang “Rollin’ in the Deep”; Johnmark Ani a.k.a. BakClash Annie the Hyper Diva na inawit ang “Go the Distance”;
Aljon Alonzo a.k.a. BakClash Janel the Krak Krak Diva na inawit ang “Defying Gravity,” at Joseph Winters a.k.a. BakClash Stephy the Whistle Diva na inawit ang “I Look To You.”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kilala na si Echo sa pag-host at perform nito sa mga comedy bars bago pa siya sumali sa BakClash.

Napapanood na rin siya sa comedy show ng Viva Channel na PaLaBok TV kasama sina Chad Kinis at Francis Rivera.

Lumabas din siya sa Sari-Sari TV series na Brush at sa 2018 movie na Amnesia Love. Pinagbidahan ang movie na ito ng GMA-7 talent na si Paolo Ballesteros at ABS-CBN actress na si Yam Concepcion.

Lumaki sa Gagalangin, Tondo si Echo at favorite niyang kolektahin ay ang cartoon character na Dora the Explorer.

Nadiskubre ni Echo na parte siya ng LGBTQ community nang magkaroon siya ng crush sa kapwa niya lalake.

“Nabarkada ako sa mga lalaki hindi dahil gusto ko magpaka-astig pero dahil guwapo silang lahat,” natatawang sabi pa ni Echo.

Ang BakClash ay sub-segment ng Juan for All, All for Juan: Bayanihan of D’Pipol ng Eat Bulaga. Ito ay singing contest para sa LGBTQ community.






Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Echo (whose real name is Jerricho Calingal) of Tondo is named BakClash winner on Eat Bulaga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results