Sophie Albert compares slaps of Carla Abellana, Max Collins

IMAGE Noel Orsal


Sa Kapuso prime-time series na Pamilya Roces napansin si Sophie Albert.

Nagpaka-daring man siya roon, pero may pagka-comedy.

Sa bago niyang teelserye, ang Bihag, seryoso at malamang na kainisan siya.

“I’m pretty sure na kakainisan nila ako. Kahit ako, naiinis!” natawang sabi ni Sophie sa presscon ng Kapuso teleseryeng Bihag noong Marso 25, Lunes, sa GMA Network Center, Quezon City.

Nag-e-enjoy rin siyang gumanap ng kontrabida.

Sabi nga niya, “Yung sa reaction, okay lang naman.

"Siguro, if you get negative reaction din, you’re doing a good job kasi naiinis sila.

“Pero nae-enjoy ko ang pagiging kontrabida. Mahirap pero masaya.”

Paano kung ma-stereotype na siya sa kontrabida roles?

“Basta may work, go, go tayo diyan!” bulalas niya.

Sila ni Max Collins ang may pisikalan sa Bihag.

Ang mga sampalan nila ni Max, walang daya. Totohanan.

“Masakit, masakit,” sabi ni Sophie.

“Kasi, pangit naman kung peke.

"After that, yakap naman, sorry... ganun talaga. You’ll not take it personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko rin naman ng natural."

Pero natawang pag-alala ni Sophie, iba pa rin ang natikman niyang sampal sa Pamilya Roces mula kay Carla Abellana.

“Wala, walang tatalo kay Carla sa lakas ng sampal. Nag-ano ang jaw ko roon, nag-disalign.

"Pero okay lang, it’s work."

BLOOMING CAREER AS A KAPUSO

Aminado si Sophie na naging maganda ang mga nangyayari sa career niya mula nang pumasok siya sa Kapuso network.

“Very thankful and sinuwerte, sinuwerte lang din ako.

"Palagi akong nag-i-step in for someone else. I feel very lucky,” aniya.

It pays not to be choosy!

Sa Pamilya Roces, pumalit si Sophie kay Winwyn Marquez nang mag-back out ito.

Sa Bihag, dapat ay si Kim Domingo ang kabit ni Jason Abalos, pero umayaw ito.

“Parang for me, it doesn’t matter as long as you land the role.

"Ako naman, I’m just here to work. Gusto ko lang na gumaling, gusto ko lang to get better, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangarap ba niyang magbida sa susunod na serye sa GMA 7? Noong nasa TV5 siya, lagi siyang bida.

“Wala, wala akong ganun,” saad niya.

“Mas maganda yung hindi ka nag-e-expect kasi.

"None of these roles naman, in-expect ko.

"None of these naman, inisip ko na mapupunta sa akin.

“Ang GMA naman, very rewarding sila. So, whatever comes."

SUPPORTIVE BOYFRIEND

Suportado ni Sophie at ng boyfriend niyang si Vin Abrenica ang career ng isa’t isa, kahit hiwalay sila ng network at may pagka-daring ang mga karakter na ginagampanan nila.

Saad ng aktres, “More than anything, we’re both passionate with our work and we’re able to do what we love and not everybody gets this opportunity.”

Hindi nagiging isyu kung may kissing scene o love scene man sila. Iniiwasan kasi nilang panoorin ang isa’t isa.

“Hindi na rin namin pinapanood ang isa’t isa, you know, huwag na lang, huwag na lang nating saktan ‘yung sarili natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, hindi niya pinapanood. Ako kasi, hindi ko talaga pinapanood pag ganun.”

Kaya ba niyang mas maging daring pa sa mga susunod niyang proyekto?

“I don’t know, let’s see. It’s more on what character that I’m portraying.

"So, dito kasi talaga, kailangan yung kissing scene namin ni Jason para ma-put together yung buong kuwento.

“Hindi naman yung basta na lang ginawa.”

Puring-puri ni Sophie si Jason Abalos lalo na sa intimate scenes nila.

Ayon dito, “Jason is very caring and very gentlemanly when it comes to our scene.

“Palagi niya akong tinatanong, ‘Okay ka na ba, okay ka na ba?’

"I feel very respected and protected by Jason. Maganda na I’m working with actors like that."

Magkakilala sina Vin at Jason?

“Hindi... hindi ko alam!” natawang sagot niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN