Yen Santos has no illusion of becoming the next Darna

by Rommel Gonzales
Apr 9, 2019
Yen Santos on success of Halik: “Super-duper happy and very thankful talaga na naging hit yung show."
PHOTO/S: Instagram

Naisip ba ni Yen Santos na maging kapalit ni Liza Soberano sa pelikulang Darna ng ABS-CBN Star Cinema?

“Ay! Wow! Naku po!” bulalas ni Yen nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa unveiling ng manufacturing plant ng Brilliant Skin Essentials nitong Abril 7, Linggo sa Morong, Rizal.

“Baka po puwedeng ako na lang yung bato!” at tumawa si Yen.

Paano kung isa siya sa makunsidera na maging Darna?

“Naku! Feeling ko po ano, hindi po yun para sa akin,” sambit ni Yen.

Magtatapos na in three weeks ang Kapamilya teleseryeng Halik, pero hindi pa makakapagbakasyon sa States si Yen.

Nagsu-shoot pa kasi siya ng pelikulang Two Love You, kasama sina Hashtag Kid Yambao at Lassy Marquez.

Nagpapasalamat naman si Yen sa magandang pagtanggap ng publiko sa Halik.

“Super-duper happy and very thankful talaga na naging hit yung show, and siyempre sobrang pasasalamat namin sa fans na talagang tinutukan kami from the very beginning.

Continue reading below ↓

“And sana ngayon, hinihingi pa rin namin ang patuloy na suporta nila, lalo na last three weeks na po kami.”

Sino o ano ang mami-miss ni Yen sa pagwawakas ng kanilang teleserye?

“Maraming mami-miss dahil ang tagal naming nagsama-sama.

"So, siyempre, yung friendship, nandoon na."

Noong Agosto 13, 2018 nag-umpisa ang Halik.

Ilang beses na silang na-extend, kaya hindi na sila nag-request na ma-extend pa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yen Santos on success of Halik: “Super-duper happy and very thankful talaga na naging hit yung show."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results