Jericho Rosales comments on network transfers of fellow stars

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales on other stars transferring to another network: "I’m sure maganda yung reason nila."


Parehong galing ng noontime show na Eat Bulaga! sina Jericho Rosales at Derek Ramsay.

Si Jericho ay winner ng “Mr. Pogi” contest noong 1996, habang si Derek naman ay naging host ng “Pool Watch” segment mula noong 2001 hanggang 2004.

Noong panahong iyon ay sa GMA Network na ipinapalabas ang longest-running noontime show ng bansa.

Last week, pumirma ng kontrata si Derek bilang hudyat ng kanyang pagbabalik sa Kapuso network.

Kaugnay nito, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho sa paglipat ng mga artista, gaya ni Derek, ng TV networks.

“Lipatan? Wala akong balita, hindi ko alam,” sagot ng Kapamilya actor nang makausap namin siya sa unveiling ng manufacturing plant ng Brilliant Skin Essentials sa Barangay San Juan, Morong, Rizal noong Linggo, April 7.

Sa palagay ba niya ay “healthy” ang paglipat ng network bilang career move ng isang artista?

Ayon kay Jericho, “Hindi namin masasagot ‘yan kasi depende sa usapan nila ‘yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin alam kung ano yung mga offers or…”

May mga dahilan naman ang paglipat ng bawat artista.

“And I’m sure maganda yung reason nila,” pagsang-ayon ng aktor.

Sa kaso ni Jericho, masaya raw siya sa pagiging Kapamilya.

“Ako, nasa ABS ako the entire time e,” ang nakangiting reaksiyon ni Jericho, na 22 years nang nasa bakuran ng Kapamilya network.

Patuloy niya, “Well, siyempre galing… alam ko naman yung pinaggalingan ko, galing ng Eat Bulaga, di ba?

“And grateful naman ako dun.”

ACTING AWARDS FOR HALIK

Samantala, nagpapasalamat si Jericho sa mga karangalang natatanggap niya dahil sa kanyang pagganap sa ABS-CBN primetime series na Halik.

Saad niya, “Maraming salamat  po sa lahat ng mga nagbigay ng acting awards sa role na Lino sa Halik.

“Marami na pong nagbigay sa amin ng mga awards para sa show namin, thank you so much!

“Hindi man ako masyadong active sa social media, just because I’m busy lang doing the show, but thank you so much, I appreciate it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa tropeyong nakamit ni Jericho para sa Halik ay bilang Best Actor mula sa 3rd Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards nitong March 21.

Nanalo rin siyang TV Actor of the Year sa 50th Box Office Entertainment Awards na ginanap noong March 24.

Napag-alaman namin mula sa co-star niyang si Yen Santos na may input si Jericho sa Halik, tulad ng pag-aasikaso ng script.

“Hindi naman, hindi naman... Ano lang, nagko-contribute lang,” paglilinaw ni Echo nang tanungin ng PEP.ph tungkol dito.

"Siyempre tulung-tulong naman kami na, you know, para lalong mapaganda ang show."

Nais ba ni Echo na maging direktor balang-araw?

“One day, siguro one day. Mag-aaral muna ako,” sagot

May gagawing pelikula si Jericho pero ayaw muna raw niyang i-announce.

“Kasi nasa planuhan pa, e. So I’m just excited to take my much-awaited break!”

Ang huling movie ni Jericho ay ang The Girl In The Orange Dress, na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This one,” pagtukoy niya sa bagong pelikula, “parang mas gusto kong gumawa ng medyo seryoso na pelikula.

“Parang ano lang, kasi puro light yung ginagawa ko lately, di ba? Para ma-relax.

“And ngayon, since makakapagpahinga talaga ako from doing heavy drama, so puwede akong gumawa ng pelikula na medyo may bigat nang konti.

“Pero pinaplano ko pa.”

Tatlong linggo na lang eere ang Halik.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN