American Idol Season 17 contestant goes viral for forgetting lyrics of song

by Ruel J. Mendoza
Apr 11, 2019
American Idol Season 17 contestant Shawn Robinson goes viral for forgetting lyrics of the song "Proud Mary."


Naudlot ang pagkakataon na maging American Idol ng contestant na si Shawn Robinson dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa performance niya sa All-Star Duets noong April 7.

Nakasama sa Top 20 ang 21-year-old hardware store assistant na taga-Atlanta, Georgia at sa ginawa nilang performance that night, pinares sila sa mga celebrity singers para maka-duet nila.

Na-pair kay Shawn ang singer na si Elle King na nakilala sa kanyang hit Grammy nominated alternative rock song na "Ex's & Oh's." Ang parents ni Elle ay ang Fil-American Hollywood comedian na si Rob Schneider at ang former model na si London King.

Ang nabigay na song na idu-duet nina Shawn at Elle ay ang "Proud Mary" ng Creedence Clearwater Revival.

Ayon kay Shawn, noong mag-rehearse sila ni Elle ng aawitin nila ay walang naging problema. Pero bago sila umakyat sa stage, gumawa ng last-minute decision si Elle na ibahin ang tempo ng kanilang song.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thirty minutes ago, I found out that we are completely changing the tempo of our song. It's really scary," diin ni Shawn.

Naging maganda naman ang duet nila ni Elle pero may part na nakalimutan ni Shawn ang lyrics kaya nagkaroon ng ilang seconds of awkward silence.

Nag-viral sa social media ang palpak na performance ni Shawn, pero ang sinisisi ng netizens ay si Elle King dahil ito raw ang unang nagkamali sa lyrics kaya naapektuhan ang performance ni Shawn.

Ayon sa tweet ng netizen na si Robert Anton: "Shawn Robinson and Elle King had a bit of a train wreck. They sounded static and seemed very tentative throughout the performance. Love his vocal stylings and his tone is such ear candy. #AmericanIdol #IdolDuets"

Tweet naman ni Scott Mac: "She sang the wrong verse (she repeated the first verse) the forgotten lyrics. He covered for her, good for him #AmericanIdol"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit na pumalpak ang duet nilang dalawa, pinuri ni Elle si Shawn para sa kanyang performance.

"That stuff happens onstage. That was a pro move. I'm so proud of you, man," diin ni Elle.

Nahalata rin ng mga AI judges na sina Lionel Richie, Katy Perry, at Luke Bryan ang pagkakamali sa duet pero naka-recover naman nang maayos si Shawn.

Standing ovation ang binigay nina Lionel, Katy, at Luke sa performance ni Shawn and Elle.

"I'm in the multiple mistakes a night category. You should be proud of what you just did. It was a great vocal performance up there," ani Luke.

Dagdag naman ni Lionel: "I love the way you recovered."

Inamin ni Shawn ang kanyang pagkakamali at tatanggapin kung ano ang desisyon ng judges: "I went up there and did my best. I had a slip-up... it's up to the judges now."

Ang ending ay nagwakas ang Idol journey ni Shawn kasama ang dalawa pang contestants na sina Bumbly at Kate Burnette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit eliminated, natuwa naman si Shawn sa pinadala sa kanyang tweet ni Lionel Richie: "You still took care of business @princeshawn. You recovered and took charge of the situation. #AmericanIdol #IdolDuets"

Mixed ang reactions ng netizens sa pagkaka-eliminate ni Shawn sa American Idol Season 17.

May iba naman na ang sisi ay nilagay kantang "Proud Mary" dahil parang may dala raw itong sumpa sa mga American Idol contestants na umaawit nito.

Una na rito ay ang AI Season 2 contestant na si Trenyce Cobbins na nakaabot sa Top 5 pero na-eliminate noong awitin ang "Proud Mary."

Pangalawa ay si Paula Goodspeed noong AI Season 5 na inawit sa auditions ang "Proud Mary" na off-key dahil sa kanyang dental braces.

Naging harsh ang comment sa kanya ng mga judges na sina Paula Abdul, Randy Jackson, at Simon Cowell. In 2008, she committed suicide sa tapat ng bahay ng kanyang idol na si Paula Abdul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangatlo ay si Syesha Raquel Mercado sa AI Season 7. Inawit niya ang "Proud Mary" noong makapasok siya sa Top 4. The next week ay na-eliminate siya.

Pang-apat ay ang Fil-Am singer na si Jessica Sanchez sa sumali sa American Idol Season 11. Inawit niya ang "Proud Mary" nang solo noong umabot siya sa Top 5. Pero naging runner-up lang siya sa winner that season na si Phillip Phillips.

Pang-lima ay si La'Porsha Renae ng AI Season 15. "Proud Mary" ang song niya noong makapasok siya sa Top 24. Pero sa finale ay naging runner-up lang siya sa winner na si Trent Harmon.

Pang-anim ay si Layla Spring sa AI Season 16. She performed "Proud Mary" during the Showcase Round at nakapasok siya sa Top 24. Pero doon na rin nagtapos ang idol journey niya.

Minsan lang daw naging suwerte ang "Proud Mary" at nangyari ito kay Fantasia Barrino nang mag-audition siya para sa American Idol Season 3. Siya ang tinanghal na winner sa season na iyon.





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American Idol Season 17 contestant Shawn Robinson goes viral for forgetting lyrics of the song "Proud Mary."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results