Gabby Concepcion jokingly insists he has never been a two-timer

by Rommel Gonzales
Apr 21, 2019
Gabby Concepcion jokingly claims he has never had relationships with two women at the same time: “Wala akong karanasan diyan,”
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi pa raw naranasan ni Gabby Concepcion na ma-in love nang sabay sa dalawang babae.

Sa Love You Two kasi na bagong serye ng GMA-7 ay mai-involve si Gabby (as Jake) sa magkapatid na sina Raffy (Jennylyn Mercado) at Sam (Shaira Diaz).

Kaya sa presscon ng naturang Kapuso show, nang may nagtanong kung sino sa cast members ang naranasan nang magmahal sa dalawang tao at kung paano nito na-handle ang sitwasyon, si Gabby agad ang itinuro ng isa sa mga co-stars niyang si Jerald Napoles (na gumaganap bilang si Harrison).

“Excuse me, excuse me, iyon nga ang sasabihin ko, e!

“Wala akong karanasan diyan,” bulalas ni Gabby sa gitna ng hiyawan ng lahat ng kanyang mga co-stars na kinabibilangan nina Clint Bondad (as Theo), Solenn Heussaff (as Lianne), Nar Cabico (as Migs), Yasser Marta (as Edison) at Michelle Dee (as Mochi).

“Dalawa, magkapatid pa?!?

“Wow!

“Hindi… di ba mga reporter kayo?

Continue reading below ↓

“Wala naman kayong nabalita tungkol sa akin. Ang buhay ko publiko.

“Ako na ang pinaka-intriguing personality palagay ko, mula nung nag-umpisa ako last year,” pagbibiro pa ni Gabby.

“Hindi talaga, yung experience na yun, magkapatid…

“Alam ko meron sa showbiz ang ganun, di ba?

“Sino? Hindi ko nga alam, e.

“Pero alam ko lang,” makahulugan niyang pahayag.

Ginanap ang presscon ng Love You Two nitong Huwebes, April 11, sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion jokingly claims he has never had relationships with two women at the same time: “Wala akong karanasan diyan,”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results