Juancho Trivino says gf Joyce Pring will not be jealous of his leading ladies

IMAGE @joycering on Instagram

Juancho Triviño says girlfriend Joyce Pring knows his two leading ladies in GMA-7 series Madrasta.


Marami ang nabulabog sa seksing pictorial ni Juancho Triviño para sa Bench kung saan nagmumura ang bukol niya sa underwear.

"Ha! Ha! Ha! Nabulabog talaga?"

Never pa itong ginawa ni Juancho noon.

"First, first.”

Paano siya nakumbinsi na gawin ang naturang daring pictorial?

"Nung kinausap nila ako about it, matagal na actually, matagal na akong kinakantiyawan. Di ba, ganun naman talaga, ever since nagsimula ako, I'm sure alam nyo yun, e.

Simula pa lang ng career ko sa GMA, matagal na akong kinakantiyawan to do those kinds of pictorials.

"And, hindi naman ayaw ko, pero nagsisimula pa lang ako nun."

Nagpapaganda rin siya ng katawan noong mga panahong iyon.

"Under construction," natatawang pakli ni Juancho.

"Natapos siya last year, so saktung-sakto. Kinausap ako ng Bench. Sinabi ko, siyempre, it’s something that I have yet to do. More than that, very happy ako dahil a part na rin ako ng Bench family. So, parang nag-align lahat ng bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iba ang pictorial, iba ang pagrampa nang naka-brief sa harap ng napakaraming tao kapag may fashion show ang naturang clothing line.

Handa ba si Juancho na rumampa ng underwear lamang ang suot?

"Well, if it calls for it, siyempre kailangan naman sa Bench yun. Paghahandaan yun," bulalas ni Juacho na nakausap namin noong Hulyo 30, Martes, sa GMA Network Center.

Matapos ang Magkaibang Mundo (2016), ngayon lang uli nabigyan ng lead role si Juancho sa upcoming GMA drama series na Madrasta.

Dalawa ang leading ladies niya, sina Thea Tolentino at Arra San Agustin. Pagselosan kaya ng girlfriend niyang si Joyce Pring ang dalawa?

"Hindi. Friends naman kaming lahat, e. Friends naman kami ni Thea, friends naman kami ni Arra, and si Joyce din naman, kilala yung dalawa. So, wala  namang ganun."

Sumailalim si Juancho sa Bova Acting Workshop ni Anthony Bova na isang international acting coach.

Ano ang natutunan niya sa workshop na magagamit niya sa Madrasta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The depth of the character, yung lalim, kung ano yung mga pinanggalingan ng mga character na ginagampanan namin. Simula pagkabata nila, kung papaano sila tumingin sa mundo, kung ano yung values nila, kailangan i-instill namin sa character namin or siyempre, nag-e-exude yun sa bawat eksena na ginagawa namin.

"So iyon yung para sa akin pinaka-importante, maliban siyempre sa chemistry na meron kami nina Thea 'tsaka ni Arra."

Paano niya paghahandaan ang papel bilang isang ama na first time gagawin ni Juancho bilang artista?

"Well, magpe-play up ako ng age ko, hindi na ako masyadong puwedeng yung mga ginagawa ko before. Kasi, alam mo yun, parang pa-teenybopper-teenybopper.

"Ngayon, hindi na, as in I have to be a big boy. Adult na."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close