Maris Racal, Daniel Matsunaga, Jane Oineza and Vickie Rushton emerge as Big Four of PBB All In

(L-R) Maris Racal, Daniel Matsunaga, Jane Oineza and Vickie Rushton were named as the Big Four of Pinoy Big Brother All In. One of them will be declared as the winner of the reality show tomorrow, August 24.



Pinili na ngayong gabi, August 23, ang Big Four ng Pinoy Big Brother All In. Tumagal ng 119 days ang naturang reality show at nakilala ng manonood ang 19 housemates sa loob ng 17 weeks.

Ang Big Four ay ang sumusunod: Maris Racal, Daniel Matsunaga, Jane Oineza, at Vickie Rushton.

Ang huling housemate na na-evict mula sa Bahay ni Kuya ay si Loisa Andalio, ang tinaguriang Talented Darling of Paranaque.

Ayon sa pinakitang statistics kanina ng mga hosts, si Loisa ay nakakuha ng 0.99 percent of Votes to Save at 13.28 percent Votes to Evict kung kaya hindi siya umabot sa Top 4 ng PBB All In.

Si Maris Racal ang tinaguriang “Singing Sunshine ng Davao.” Ang 16-year-old singer na natuto na tumugtog ng gitara sa pamamagitan ng panonood ng videos sa Internet. Ang kaalaman niya tungkol sa pagtugtog ng piano, ukulele at beatbox ay mula rin sa Internet.

Si Vickie Rushton ay ang binansagan bilang "Lady Mahinhin of Bacolod." Ang 2011 Mutya ng Pilipinas-International titleholder ay kasalukyang girlfriend ng ABS-CBN actor na si Jason Abalos.
Habang nasa loob ng Big Brother house, naging malabo para kay Vickie ang relasyon nila ni Jason ngunit sa huli, nakapagusap sila ng mabuti at humingi ng patawad ang actor dahil sa mga pagkukulang niya sa kasintahan.

(Read: Vickie Rushton says boyfriend Jason Abalos should have no reason to be jealous of Daniel Matsunaga)

(Read: Jason Abalos tells girlfriend Vickie Rushton: "God knows how much I love you!")


Si Jane Oineza ang ipinakilala bilang "Rising Celebriteen ng Pasig." Ang miyembro ng Star Magic Circle 2013 ay naging kontrobersiyal sa loob ng Bahay ni Kuya. Naging usap-usapan rin ang pagtatapat ng pag-ibig ng fellow PBB housemate Joshua Garcia para kay Jane noong nasa loob pa siya ng Big Brother house.

(Read: Joshua Garcia confesses love for fellow PBB housemate Jane Oineza)

Si Daniel Matsunaga ay celebrity housemate na pumasok sa Bahay ni Kuya noong May 2014. Ang tinaguriang "Hunk of the World ng Makati" ay na-link sa fellow PBB housemate na si Vickie ngunit nilinaw niya na may respeto siya sa boyfriend nito na si Jason Abalos.

Ayon sa announcement ng mga hosts, back to zero ang mga boto ng Big Four at ang magiging basehan ng pagpili ay ang mga text and online votes na makakalap ngayong gabi hanggang bukas, August 24.

Bukas na gagawin ang Big Night kunsaan ipapakila ang Big Winner at runners-up sa Resorts World Manila.


PEPsters, deserving ba sila na pumasok sa Big Four? Sino ang gusto ninyo na maging Big Winner ng PBB All In? Comment below.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN