Kyle Echarri says Kadenang Ginto is extended; leads Star Magic Circle 2019

IMAGE Arniel C. Serato

Kyle Echarri of Kadenang Ginto fame is one of the 16 celebrities launched as part of Star Magic Circle 2019.


Trending lagi ang episode ng Kadenang Ginto ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Dimples Romana, Francine Diaz, Andrea Brillantes, Adrian Alandy, at Beauty Gonzalez. 

Kaya naman, masaya ang buong cast and crew sa tagumpay na ito lalo na si Kyle Echarri, na isa sa mga bituin ng afternoon series.

Kuwento ni Kyle, “Sobrang masaya po ako.

"Hindi lang po ako pero yung buong cast, buong management, buong team.

“Hindi po namin inakala na magiging ganito po kalaki ang Kadenang Ginto and we’re very, very happy.

“And ngayon po, may Gold Squad po kami, so sana tuluy-tuloy po yung pagsuporta niyo sa amin.”

Hanggang kailan pa ang itatakbo ng show?

Nakangiting sagot ni Kyle, “Abangan niyo po.

"Sabi po ni Sir Deo [Edrinal], at least the whole year.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyle sa grand launch ng 2019 Star Magic Cirle kung saan isa siya sa 16 new artists na inaaalagan ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

2019 STAR MAGIC CIRCLE

Taong 2015 unang nakilala si Kyle sa pamamagitan ng The Voice Kids Season 2 kung saan pumasok siya sa Top 6 finalists ng singing competition.

Pero, sa Kadenang Ginto siya lalong sumikat.

Ngayon, bahagi si Kyle ng kakalunsad lamang na Star Magic Circle 2019.

Meron itong miyembro na walong lalaki at walong babae. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nag-alangan na maisama sa mga baguhan at wala pang masyadong exposure sa showbiz?

Tugon ni Kyle, 15, “ Siyempre po, para sa akin, I don’t look at anyone lower than me or higher than me.

“Kasi sa lahat po ng mga artista na kakilala ko, wala po masyadong mayabang.

“Siyempre coz you can’t… you always keep your feet on the ground po, katulad ng sinabi ko po kanina.

“And lahat po sila, they’re all very nice and I’m sure Mister M [Johnny Manahan, Star Magic head] has a big plan for the whole group, hindi lang po ako.”

Bukod kay Kyle, kasama rin sa mga inilunsad sa Star Magic Circle 2019 sina Gillian Vicencio (19 years old), Belle Mariano (16), Glen Vargas (23), Kendru Garcia (20), Arielle Roces (22), Eiselle Serrano (20), RA Lewis (21), Javi Benitez (22), Aiyanna Waggoner (12), Arabela del Rosario (17), Anthony Jennings (18), JC Alcantara (19), Sophie Reyes (20), Melizza Jimenez (17), at Jeremiah Lisbo (20).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN