John "Sweet" Lapus bags Kadenang Ginto directorial stint

by Ruel J. Mendoza
Jun 16, 2019
John "Sweet" Lapus on bagging Kadenang Ginto directorial stint: “Yes, I am now one of the two directors of the the top-rating Kadenang Ginto. I’m so honored na mapili to be one of the directors of this show under Dreamscape."
PHOTO/S: File

Tuluy-tuloy ang career ng TV and film comedian na si John “Sweet” Lapus bilang direktor.

Bukod sa pagdirek niya ng episodes para sa Kapamilya shows na Wansapantaym, Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo, si Direk Sweet na ang isa sa dalawang directors ng top-rating afternoon series na Kadenang Ginto.

“Yes, I am now one of the two directors of the the top-rating Kadenang Ginto.

“I’m so honored na mapili to be one of the directors of this show under Dreamscape.

“Pumalit ako kay Direk Jerry Sineneng at Direk PM who are now directing Mea Culpa.

“Kaya dalawa kami ng kaibigan kong si Direk Jojo Saguin na first transgender director ng Philippine TV,” pabirong kuwento ni Sweet sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) via Facebook Messenger noong nakaraang June 12.

PROUD OF DIRECTORIAL PARTNER

Masaya si Sweet na maka-tandem si Direk Jojo sa Kadenang Ginto dahil sabay silang nagsimula sa ABS-CBN bilang mga researchers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw niya, “Kami ang mga Original Women of ABS-CBN.

“Pareho kaming nagsimula sa ABS-CBN.

“Siya, music researcher ng Sa Linggo nAPO Sila. Ako naman, video researcher ng Showbiz Lingo.

“Matagal nang nagdidirek si Direk Jojo, tulad ng May Bukas Pa, 100 Days To Heaven at yung mga naging teleserye nila James Reid at Nadine Lustre na On The Wings Of Love and Till I Met You.

“Kapag nasa production meeting kami ni Direk Jojo, di kami makapaniwala na directors na kami.

“Noong araw kasi, part lang kami ng staff bilang researchers.

“Hindi namin naisip na one day maging directors kami.

“Nakakatuwa lang na sabay-sabay kaming umaangat sa careers namin sa TV.”

PRESSURE

Malaking pressure nga raw kina Direk Sweet at Direk Jojo ang manahin ang paghawak sa Kadenang Ginto.

“Grabe! Kaya naman pala number one sa Kapamilya Gold ang show na ito, kasi napakahusay ng creative team, staff at cast.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pang primetime ang ratings ng Kadenang Ginto!

“Ang mga bakla favorite ito, kaya pressured kami na lalong pagandahin.

“Abangan nila ang mga susunod na kaganapan.

“Maski kami nagugulat sa mga mangyayari everytime darating ang script,” pag-amin ni Direk Sweet.

MOVIE PROJECT

May sisimulan ding bagong pelikula na ididirek ni Sweet for iwantTV.

Ginawa ring Creative Head for Comedy si Sweet ng Star Cinema.

Pagpapasalamat niya, “Thankful ako sa Star Cinema sa pagbigay na ng tiwala sa akin.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil tinupad nila ang dream ko na maging director at scriptwriter.

“Isang comedy ang inaasikaso namin na hopefully ay para sa Metro Manila Film Festival.

“Ang mga bida rito ay dalawa sa big stars ng ABS-CBN.

“Abangan na lang nila ang update ko sa project na ito.

“My next directorial film will be under Dreamscape Digital for iwantTV. Ako din sumulat.

“Bida ang Gold Squad kaya mukhang araw-araw ko makakasama ang mga batang ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MISSING ACTING

Kahit busy sa pagiging direktor, inamin ni Sweet na nami-miss niya ang pag-arte sa TV at pelikula.

Lahad niya, “Oo naman.

“Sabi ko nga sa Star Magic tumanggap pa din ng acting job for me pag meron. Pero wala talaga.

“Buti nga naramdaman ko agad na need ko na naman mag reinvent.

“Kaya nag-aral agad ako magdirek under Direk Carlitos Siguion-Reyna at mag sulat under Sir Ricky Lee.”

ADVICE FOR SHOWBIZ “SISTERS”

Kaya this Pride Month, heto ang advise ni Sweet sa kapwa niya gay actors sa industriya.

“Advice bilang isang nakakatandang kapatid sa industriya, matutong mag-ipon habang palung-palo ang career nila. Hindi yan habang buhay.

“Mag-aral ng ibang bagay. Mas madaming alam, mas bongga!

“Galingan ang trabaho at maging mabuti sa mga katrabaho.

“Magsumikap at mahalin ang sarili.

“Patuloy na i-challenge ang sarili para magkaroon ng bagong kaalaman.

“Wag sumuko at patuloy na lumaban!” payo niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John "Sweet" Lapus on bagging Kadenang Ginto directorial stint: “Yes, I am now one of the two directors of the the top-rating Kadenang Ginto. I’m so honored na mapili to be one of the directors of this show under Dreamscape."
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results