Is Marian Rivera interested to be Dingdong Dantes's leading lady in DOTS?

by Rose Garcia
Jun 27, 2019
Marian Rivera on doing a teleserye two months after giving birth: "Kung tatanungin mo ako sa puntong ito, I will say no talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal

Malabo pang bumalik si Marian Rivera sa mga programa niya sa Kapuso network na Tadhana at Sunday PinaSaya.

“Ang gagawin ko lang muna ay puro endorsements pati launching, yun na lang muna,” pahayag ni Marian sa launch ng Kultura X Marian collection nitong Hunyo 25, Martes, sa SM Megamall.

Nakatanggap na siya ng sulat mula sa Tadhana.

“Well, naglalambing na sa akin ang Tadhana na bumalik na ako sa kanila, 'tapos may letter pa sila sa akin.

“Sabi ko nga, nagi-guilty naman ako. Sabi ko, sige, I’ll try. Baka end of July, umoo na ako.”

Kailan siya gagawa muli ng teleserye?

“Sabi ko nga, kung tatanungin mo ako sa puntong ito, I will say no talaga.

"Pero malay mo naman, kapag nilapitan ang location, umuwi ako nang maaga!” natawang sabi ni Marian.

DINGDONG DANTES'S LEADING LADY IN DOTS?

May mga nagpu-push para siya ang maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

Continue reading below ↓

“Uy, ano, ha?! Mamaya, may napili na silang leading lady.

"Mamaya, ma-quote ako na bakit ganoon ang sinasabi ko, hindi naman ako.

“Thank you naman kung ako ang kinokonsider nila doon, pero hindi ko talaga alam ang isasagot ko.

“At saka hindi pa naman... naku, baka magalit ang GMA!” natatawang bulalas ni Marian.

Pero puwede niyang ikunsidera sakaling ialok sa kanya ng network?

“Ang hirap mamili, may newborn ako, two months pa lang.

"Ang hirap kasing magsabi na yes, kaya kong gawin, hindi naman pala.

“Hindi naman binigay sa akin.

"Hindi naman sinabing, 'Oo, ikaw ‘to.' Naku! Patay tayo diyan,” natawang sambit niya.

“Baka kasi may leading lady na, so, hayaan ko na lang...”

At saka natatawang hirit niya, “Ano ba, baka mapa-oo ako riyan, patay ako.”

Hindi pa niya napapanood ang D.O.T.S. pero marami ang nagta-tag sa kanya ng ilang video clips.

Continue reading below ↓

“Sabi nila, maganda ang kuwento, nagkatuluyan sila.

"'Tapos, yung babae, may similarity raw sa akin. May mga ganun.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on doing a teleserye two months after giving birth: "Kung tatanungin mo ako sa puntong ito, I will say no talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results