The Better Woman pilot episode boasts of steamy sex scenes, says director

by Ruel J. Mendoza
Jun 29, 2019
GMA-7's latest primetime teleserye, The Better Woman, boasts of two steamy sex scenes for its pilot episode, says director Mark Sicat dela Cruz.
PHOTO/S: Noel Orsal

Pag-uusapan daw agad ang pilot episode ng GMA-7 primetime teleserye na The Better Woman.

Ayon sa director nito na si Mark Sicat dela Cruz, dalawang mainit na eksena agad ang mapapanood sa opening sequence ng naturang teleserye.

“Yung una ay love scene between Andrea Torres as Jasmine with Derek Ramsay. They play husband and wife.

“Yung pangalawa naman, wild sex scene naman ni Andrea as Juliet with Tommy Abuel.

“Prostitute naman itong isang Andrea.

“Kambal kasi si Andrea dito at gusto kong ipakita ang magkaibang paraan nila pagdating sa sex.

“Oo, magugulat silang lahat sa pilot episode.

“Very powerful kaya kinabahan kaming lahat!” tawa pa ni Direk Mark sa media launch ng The Better Woman sa Prime Hotel sa Quezon City kamakailan.

NATURAL CHEMISTRY

Hindi raw nahirapan si Direk Mark na idirek sa mga love scenes sina Derek at Andrea.

Kahit na hindi na nag-workshop ay mabilis daw na nagkaroon ng chemistry ang dalawa.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Si Derek kasi, kabisado ko na ang mga kilos niya kasi nakatrabaho ko siya when I was an assistant director sa teleserye na Magkaribal sa ABS-CBN at sa movie na Trophy Wife.

“Kaya pahit paano, alam ko na ang mga gagawin niya.

“Si Andrea ang first time ko na makatrabaho, at nagulat din ako sa sinabi niyang wala siyang limitations sa love scenes.

“Tinanong ko naman din sila kung gusto ba nilang mag-workshop muna para mas makilala nila ang isa't isa?

“Sabi nila hindi na kailangan. Nagulat ako na ang bilis ng connection nila with one another.

“Kaya wala akong naging problema sa kanila when it comes sa mga love scenes.

“Wala silang kaarte-arte sa katawan. Kung ano ang sinabi ko na gawin nila, ginagawa nila.

“Very professional silang dalawa kaya napadali ang trabaho naming lahat.”

SELF-CENSURE

Pero naging maingat naman daw si Direk Mark sa execution ng mga maseselang eksena sa The Better Woman.

Continue reading below ↓

Paninigurado niya, “On our part, naging careful naman kami kasi ayaw naming mabigyan ng memo ng MTRCB.

“Kasi nga ang tema ng teleserye namin ay very sexy, 'tapos ang oras pa namin ay 8:35 PM.

“Maaga-aga pa siya kaya medyo tine-tame namin ang mga eksena.

“Even ang mga dialogues nila, pinalitan namin ang ibang words para suitable siya for public television.

“Like yung word na 'sex,' pinapalitan namin ng ibang word.

“Every time na mag-shoot kami ng love scene, nire-review namin para kung may makita kaming puwedeng ika-react ng MTRCB, gagawan namin ng paraan agad.”

SPG RATING

Nabigyan daw ang pilot episode ng The Better Woman ng SPG (Strict Parental Guidance) rating mula sa MTRCB. Masaya na raw si Direk Mark sa rating na iyon.

“Naintindihan ko naman ang binigay na SPG rating sa amin.

“Kaya sa ang mga parents, bantayan ang mga anak nila kapag nanood sila ng The Better Woman.

Continue reading below ↓

“Sa umpisa pa lang kasi, all-out na agad sina Derek at Andrea,” babala niya.

Bago ang The Better Woman, naging director a second unit director si Mark ng iba't ibang shows sa GMA-7 tulad ng I Heart You Pare, Dear Uge, Asawa Ko Karibal Ko, The One That Got Away, Meant To Be, Magkaibang Mundo, My Love From The Star, Marimar, Legally Blind, Ika-6 Na Utos, Alyas Robin Hood, Kambal Karibal at Kara Mia.

Sa movies ay naging assistant director si Mark ng Diary Ng Panget, When The Love Is Gone, Kinatay, Girlfriend For Hire, 24K, Sinungaling Na Buwan, Baliw at Lola.



Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7's latest primetime teleserye, The Better Woman, boasts of two steamy sex scenes for its pilot episode, says director Mark Sicat dela Cruz.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results