Richard Yap clarifies rumors about supposed transfer to GMA-7

by Rey Pumaloy
Jul 6, 2019
Richard Yap reacts to rumors indicating that he planned to transfer to GMA-7 after running in the 2019 elections.
PHOTO/S: Noel Orsal


Itinanggi ni Richard Yap ang balitang may plano o intensyon siyang lumipat sa GMA-7 at iwan na ang ABS-CBN.

Sa presscon ng Kapamilya afternoon series na Kadenang Ginto, nilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Richard ang tungkol sa paglipat niya diumano sa Kapuso network.

Mabilis namang sumagot si Richard, “Tsismis lang yun,” aniya.

“Actually, I was doing something else, alam niyo naman yun, nag-leave muna ako sa showbiz. So, wala talaga akong iniisip na mag-transfer, wala.

“I did have plans actually when in-offer ito sa akin, I was just planning to take a vacation, leave pa until August.

“So, this was a very welcome offer. I’m very thankful na kinuha uli ako ng ABS-CBN na Dreamscape. Of course, my mother unit, si Sir Deo," pagtukoy niya kay Deo Endrinal, ang head ng Dreamscape Production na producer ng Kadenang Ginto.

Dagdag ni Richard, "And, of course, I’m really thankful to be part of Kadenang Ginto. Because this is just an awesome show na ang daming nanonood and, of course, kung may peg si Romina na gusto niyang maging isang Dimples, di ba?

Continue reading below ↓

“I mean, she wanted to be like her as an artist. Sa akin naman, it’s honor naman to be part of I’m following the footsteps of Albert Martinez also, kung saan siya nandun rin ako.

“Malaking karangalan para sa akin.”

Napagusapan ang tungkol sa paglipat ng istasyon sa July 5 press con ng Kadenang Ginto na ginanap sa 9501 Restaurant, ELJ Building nang kumpirmahin ng Dreamscape ang katotohanan sa dapat sana’y magta-transfer ni Beauty Gonzalez sa GMA-7.

Pero hindi ito natuloy ang paglipat ng 4th grand placer ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus dahil inalok sa kanya ang role bilang Romina Mondragon sa Kadenang Ginto.

Sabi naman ni Eric John Salut na host sa presscon, hindi nawawalan ng TV offer si Richard mula sa Dreamscape.

Aniya, “The offer has been there. Hindi nawala. Siya lang talaga ang tumatanggi.

“Walang lipat-lipat. Walang nakarating sa aking ganyan. Tumayming [timing] naman na puwede na niyang gawin ang Kadena.

Continue reading below ↓

“Nandiyan ang offers, hindi nawawala. In fairness naman kay Richard."

Wala sa hinagap ni Richard na magkakaroon siya nang acting job matapos ang 2019 elections kunsaan nabigo siyang makuha ang posisyon bilang mayor ng Cebu.

Kuwento ni Richard, “Actually, nabigla nga ako when I came back from Cebu. In a week's time may offer na pumasok dito sa Kadenang Ginto. Nabigla nga ako.

“I wanted to have a vacation first until August. Pero hindi na nangyari yun.

“Hindi ko ma-resist yung lure of gold.”

Hindi ba siya nalulula sa success ng Kadenang Ginto at sa pagpasok niya sa show ay mataas agad ang expectations para sa kanya?

Tugon niya, “Yun nga nga, medyo may pressure dahil alam ko it’s a very successful show already as of now. So, I have to bring something to the table. I’m sure hindi lang naman ako lang ang gustong panoorin, sila pa rin naman dalawa.

Continue reading below ↓

“Of course, I will do my share. Pero as of now, nakakatuwa lang kasi ang dami nang nagti-text, nagtu-tweet na sa akin they’re going to reconnect their TFC kasi pumasok ako, magsu-subscribe na daw sila uli.

“Marami from out of the country who are going to start watching TFC again.”

Sabi naman ni Beauty, “Yung mga Visayan fans—kasi we’re both Bisayaa lot of my relatives from Visayas, Mindanao, naku, nabuang talaga sila sa Kadenang Ginto. They’re very excited about us kasi Bisaya, alam mo naman pro-Bisaya.”

Ano ang kaibahan ng karakter na gagampanan ni Richard sa Kadenang Ginto?

Pagbabahagi niya, “Ibang-ibang si Leon dito, hindi siya mayaman. Usually, mayaman yung roles ko, e. Eto, hindi ako mayaman. Mag-umpisa ako from the bottom. Magtutulungan kami ni Romina dito, tutulungan ko siya.

“So, may ibang klase yung character ko. I can’t tell you what it is all about. You have to watch it, to know.”

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Yap reacts to rumors indicating that he planned to transfer to GMA-7 after running in the 2019 elections.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results