Junior New System impress judges at World's Got Talent semi-finals held in China

by Ruel J. Mendoza
Jul 8, 2019
Filipino dance crew Junior New System lauded for dance routine at the 2019 World’s Got Talent in Changsha, China.

Muling nagpakita ng kanilang galing sa pagsayaw ang Pinoy hip-hop dance group na Junior New System sa semi-finals ng World’s Got Talent, ang Chinese edition ng Got Talent franchise.

Ang all-male dance group ay nag-perform sa Changsha, China para sa semi-finals ng World’s Got Talent.

Ang mga judges this season ay sina Zhao Wei, Alec Su, Liu Ye, at Wang Wei-chung.

Umupo naman bilang guest judge ang Grammy-winning songwriter and record producer na si David Foster.

Noong July 6 ay nag-perform ang Junior New System sa medley ng songs tulad ng “Wavin’ Flag’ ni K’naan, “Conga” ni Gloria Estefan and the Miami Sound Machine, at “Single Ladies” ni Beyonce.

Nakisayaw ang audience sa Junior New System na pinakita ang kanilang signature synchronised acrobatic dance movements.

Naaliw ang audience sa members na nagsuot ng black sequinned top na may initials na JNS, red shorts, at yellow high-heeled boots.

Continue reading below ↓

Bago ang actual performance ng Junior New System, pinakita ang backstage clip ng kanilang rehearsal kunsaan pinakita nila ang kanilang aerial flips.

Taga-Sampaloc, Manila ang mga miyembro ng Junior New System at una silang nakilala noong sumali sila sa season one ng Asia’s Got Talent noong 2015. Nakuha nila ang Golden Buzzer and placed third sa competition.

Noong 2016 ay naging Senior Grand Champion Performers of the World ang Junior New System sa World Championships of the Performing Arts sa Long Beach, California.

In 2018 ay umabot ang Junior New System sa semi-final round ng America’s Got Talent. Tinawag pang “spectacular” ng AGT judge na si Howie Mendell ang Pinoy dance group.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino dance crew Junior New System lauded for dance routine at the 2019 World’s Got Talent in Changsha, China.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results