Pamaskong handog ng ABS-CBN ang Koreanovelang "Spring Waltz"

by Mercy Lejarde
Dec 24, 2007
Han Hyo Joo plays Arianne in the Koreanovela Spring Waltz, which will air starting December 25, after Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 in ABS-CBN's Primetime Bida.



Pakikiligin at aantigin ang mga viewers ng Koreanovelang Spring Waltz, ang ika-apat sa sikat na "Love Stories of the Season," simula ngayong Pasko sa ABS-CBN.

Tampok ang mga pinakabagong Korean heartthrobs na sina Daniel Henney at Sep Do Young, at mga magagandang mga leading ladies na sina Han Hyo Joo at Lee So Yeon.

Iikot ang serye sa madulang buhay nina Jeric (Seo Do Young) at Arianne (Han Hyo Joo), dalawang pusong sa murang edad pa lamang ay sinubok na ang tibay ng pagkakaibigan.

Upang iligtas ang buhay ng kababata, isasakripisyo ni Jeric ang kanyang buong pagkatao at magpapanggap bilang si Christian, ang yumaong anak ng isang mayamang mag-asawa. Malaki ang pagkakahawig ni Jeric kay Christian.

Makalipas ang 15 taon, sila'y muling magtatagpo, dala ang kani-kanilang bagong pagkatao, at muling iibig sa isa't isa. Ngunit paano kung ang kanilang mga puso ay naipangako na sa iba?

Si Christian, na ngayo'y isa nang sikat na piyanista, ay maiipit sa pagmamahal ng maganda at mayamang si Yna (Lee So Yeon)—ang kababata ng tunay na Christian na hindi bumitaw sa pangako ng pag-ibig noong nakaraan—samantalang si Arianne naman ay mamahaling tunay ni Philip (Daniel Henny), ang manager at matalik na kaibigan ng yumaong Christian.

Continue reading below ↓

Kaninong pag-ibig ang mananaig sa pagkukrus ng mga landas ng apat na taong pinaglalapit ng tadhana? Magagawa pa kayang buhayin ni Christian at Arianne ang iniwang pag-ibig sa isa't isa?

Huwag na huwag palalampasin ang pagsisimula ng kapana-panabik na Koreanobelang Spring Waltz. Kinunan ito sa Austria at Korea, sa direksyon ng kinikilalang "National Treasure" ng Korea na si Mr. Yoon Suk Ho.

Ang theme song naman nitong "One Love" na inawit Acel Bisa ay isa sa pinasikat at most requested song ngayon.

Subaybayan ang Spring Waltz simula ngayon Araw ng Pasko (December 25), pagkatapos ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 sa ABS-CBN Primetime Bida.
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Han Hyo Joo plays Arianne in the Koreanovela Spring Waltz, which will air starting December 25, after Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 in ABS-CBN's Primetime Bida.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results