Maja Salvador reveals dilemma over follow-up project after Wildflower

by Melba R. Llanera
Jul 17, 2019
Maja Salvador on Wildflower and The Killer Bride: "Parehas na tungkol sa revenge pero ito, iba ang timpla. Nandun yung challenge kung paanong atake ang ibibigay ko."
PHOTO/S: Maja Salvador Instagram

Malaking challenge kay Maja Salvador kung paano masusundan ang tagumpay ng huling teleserye niyang Wildflower.

Kaya inamin ng Kapamilya actress na kinabahan siya nang tanggapin ang The Killer Bride.

Saad ni Maja, "Siyempre, ang challenge, yung maraming nagmahal sa Wildflower.

"So, parang ang hirap sundan. Totoo yun, ang feeling ko, ang hirap sundan.

"So, nung in-offer sa akin itong The Killer Bride, parang may butterfies sa tummy ko.

“Iniisip ko na agad kung ano yung gagawin ko dun sa character, kung ano ang mangyayari, kung ano ang mga magagawa ko sa mga sequences namin, sa kuwento namin.

"Nandun yung gusto kong ma-surprise din ako.

"Yun ang challenge ko sa sarili ko, yung i-surprise mo ako kung ano pa yung dapat mong nailalabas, kung ano pa ang kaya mong ibigay.

"Hindi ko masabi, hindi ko ma-pinpoint kung alin, pero sobrang natsa-challenge ako kay Camilla dela Torre."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa photo shoot ng The Killer Bride noong Hulyo 9, Martes, sa Studio 9 ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

NOT JUST A SCARY STORY

Kakaiba ang tema ng The Killer Bride, pero siniguro ni Maja na iikot pa rin ang istorya tungkol sa pag-ibig at pamilya.

"Gothic yung theme ng teleserye, but hindi lang siya nakakatakot.

"Sa lahat ng kuwento natin sa buhay, nandun yung kuwento ng pag-ibig.

“Hindi mawawala yung kuwento ng pag-ibig, kuwento ng pamilya.

"Maglalaro pa rin dun siyempre, pero minsan, akala mo multo ang kinatatakutan mo.

“Hindi! Dahil ang dapat mong katakutan ay ang taong mahal mo at pinagkakatiwalaan mo," pahayag ng Kapamilya actress.

Lubos ang pasasalamat ni Maja sa management na magaganda ang mga proyekto na ipinagkakatiwala sa kanya.

"Siyempre, nandun tayo sa salamat sa ABS-CBN, kasi binibigyan nila kami ng magagandang proyekto tulad nitong The Killer Bride.

“After ng magandang project na Wildflower, heto naman ngayon ang The Killer Bride.

"Sobrang challenging yung character, yung role.

“Parehas na tungkol sa revenge pero ito, iba ang timpla. Nandun yung challenge kung paanong atake ang ibibigay ko.

Continue reading below ↓

“Kasi, ibang pain, ibang galit ang mayroon yung character ko dito. So, very excited ako."

NEW LEADING MAN

Ang leading man ni Maja sa The Killer Bride ay si Geoff Eigenmann, na muntik na niyang makapareha before.

"Mayroon kaming teleserye dati na di nga natuloy. Nag-MMK kami before, pero ito talaga yung pag oras niyong maging magkapareha, oras niyo talaga.

“Ito yung perfect time para sa pagpapareha naming dalawa.

"I'm very comfortable with Geoff. Actually, bawal ko siyang tawaging Kuya, pero mayroon kami kasi kaming momskie...

“Comfortable ako na makatrabaho ko siya pero bawal na tawagin ko siyang Kuya, kasi siyempre, magkapareha kami dito sa The Killer Bride.”

JANELLA'S TIME TO SHINE

Co-stars nila rito sina Janella Savador at Joshua Garcia.

“Siyempre excited ako kay Joshua and Janella na makatrabaho sila, ang mga young stars natin, young superstars natin.

“Siyempre, kay Joshua na napakagaling na aktor din, and kay Janella na parehas kaming Salvador.

Continue reading below ↓

“Very excited ako para kay Janella, kasi ito yung time niya na para talaga mag-shine.

“Kasi, maganda yung role, maganda yung character niya. Yung tatakbuhin ng character ni Janella.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on Wildflower and The Killer Bride: "Parehas na tungkol sa revenge pero ito, iba ang timpla. Nandun yung challenge kung paanong atake ang ibibigay ko."
PHOTO/S: Maja Salvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results