Luis Manzano relishes level-up "bangayan" with Alex Gonzaga

by Melba R. Llanera
Jul 19, 2019
Luis Manzano on Alex Gonzaga: "Kami ang magkabangayan, kami ang magka-partner sa bangayan."

Nag-level up ang kulitan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home Extra Sweet.

"Nami-miss ko naman yung kulitan na ganung klase.

"Iba ang kulitan ng hosting, iba ang kulitan ng sitcom na may ginagampanan ka talagang karakter,” lahad ni Luis nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last week sa taping ng Minute To Win It.

“Kami ang magkabangayan, kami ang magka-partner sa bangayan.

"Hindi kami parang si Toni [Gonzaga] and si Piolo [Pascual] na may kaunting love.

"Kami, bangayan lang ang silbi namin ni Alex.

"Oo, kaya nga nakakatuwa.

"Kaya nga nung prinesent sa amin yun, sabi lang sa amin, ‘Kung ano kayo sa social media, gusto namin, ganun din kayo sa Home Sweetie.’”

Nagpapasalamat din si Luis sa patuloy na mainit na pagtanggap ng publiko sa hinu-host niyang Minute To Win It.

"We're very thankful na sobrang dami ng natutuwa kay Long [Mejia] and Negi.

Continue reading below ↓

“Yung skit na ginagawa namin, grabe pag pinapanood namin sa social media, e, wala silang bukambibig kundi ang galing ni Long at Negi.

"Salamat mula sa aming tatlo at sa buong show na nae-enjoy ninyo."

EDU'S PARENTS

Kinumusta rin namin kay Luis ang mga magulang niyang sina Congressman Vilma Santos-Recto at Edu Manzano.

Parehong tumakbo nitong nakaraang May 2019 elections sina Vilma at Edu, ngunit magkaiba ang kanilang naging kapalaran.

Si Vilma ay nanalong muli para sa kanyang second term bilang representative ng Lipa City, Batangas.

Si Edu naman ay natalo sa kanyang congressional bid sa San Juan City.

Saad ni Luis, "She's okay, nagbabakasyon. Sobrang sweet nga nila ni Tito Ralph [Recto].

"Sa nakikita kong pinu-post ng pinsan ko, nagho-holding hands sila. Kumbaga, teeny-boppers ang dating nila.

"Si Daddy, katatapos lang niya ng movie.

"Hindi sinuwerte sa election... ganun talaga, di ba?

“But still, nakagawa siya ng movie with Anne [Curtis] at mayroon pa siya na isa pang gagawin na hindi ko alam kung puwede nang sabihin.

Continue reading below ↓

"Pero kasama ang isa sa pinakasikat na stars ng ABS-CBN."

JOHN LLOYD CRUZ

Isa si Luis sa malalapit na kaibigan ni John Lloyd Cruz.

Ngayong nababalitang babalik na si John Lloyd sa showbiz, matibay ang paniniwala ni Luis na laging may lugar sa industriya ang kaibigang aktor.

"Si Lloydie, kahit ano pa ang mangyari, kahit ano pa ang gawin ni Lloydie, kahit gaano katagal pa siyang mag-relax, mayroong puwesto o puwang ang industriya para sa isang napakagaling na John Lloyd Cruz—kahit sa harap o likod ng camera.

“Sabi ko nga, no matter what, and I think kung anuman ang ginagawa ngayon ni Lloydie, basta happy siya.

“Yung ibang tao, masyado siyang pinapakialaman. Umiiwas nga yung tao," pahayag ni Luis.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano on Alex Gonzaga: "Kami ang magkabangayan, kami ang magka-partner sa bangayan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results