Tom Rodriguez hosts GMA-7 game show that was first offered to Richard Gomez

Tom Rodriguez reveals that he auditioned before he was chosen to host the GMA-7 game show Don’t Lose The Money.


Walang problema kay Tom Rodriguez kung si Richard Gomez ang original choice para mag-host ng bagong game show ng GMA-7 na Don’t Lose The Money.

Hindi raw alam ni Tom na bago siya ay si Richard ang nakunsidera para sa naturang proyekto.

Saad niya, “I have no...wala akong idea.

“If ever, I think he would do a great job, I mean, that’s Richard Gomez!

“He’s been, kasi, ‘di ba, sa Family Feud

“I don’t care if I’m second, third, fourth, 'til last.

“Just the fact that you’re picked, I think it means it’s for you, it’s for you.

“Kasi may mga roles din na nawala sa akin, na ganun din yung iisipin ko, e.

“Na hindi para sa akin dahil wala siya sa akin.”

At least nga naman ay isang Richard Gomez ang pinalitan niya.

“Oo, of course! Wala akong pakialam kung pang-ilan akong choice.

“I mean a role is something you worked hard, that’s why I would rather audition than have it be given to me.

“I mean to be the, kahit billionth choice ako, to be a billionth choice para kay Sir Goma, I mean that’s a really big compliment to me.

“Isang Richard Gomez, I mean, Richard Gomez yun.

“Kaya I’m honored, I’m deeply honored.”

Dahil pinakauna niya itong game show, kumusta ang experience niya in hosting the said project?

Although hindi naman bagito si Tom sa pagho-host dahil naranasan na niyang mag-host ng mga beauty pageants.

“Siguro nakailan akong host ng pageant, pero may co-host na magaling, ako lang yung dinadala, hindi naman ako yung main na host!” natawang sabi niya.

Dagdag ni Tom, “Usually, kanta-kanta lang.”

Paano siya napapayag na mag-host ng isang game show?

“It wasn’t offered to me,” ang nakangiting pag-amin ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Tom na nag-audition siya para sa hosting job ng Don’t Lose The Money.

“We auditioned, we auditioned.

“I heard there were auditions for it so nag-audition kami, kasama ko si Ate Jackie [Tom’s handler] pumunta dun.

“And alam mo yung pakiramdam na feeling mo sobrang tanga mo?

“Sobrang kaba ko, parang, ta-try mong mag-adlib, may sasabihin ka, ‘tapos sasabihin mo sa utak mo, ‘Ay, mali yun, ay hindi pasok!’

“Parang mapi-freeze ka, mag-aano ka.

“So, inisip ko, there’s no way na ako yung kukunin nila.

“Sinabi ko, imposibleng ako yung pipiliin nila dito, imposible!

“Kasi feeling ko, it was the worst audition ever...na parang napaka-awkward...

“Kaya nagulat ako nung ako yung kinuha nila and nagulat, surprised, sobrang kinakabahan at pressured.

“But at the same time, I felt excited na I was gonna get to try something new and learn a new skill set.

“Kasi before it would have scared me to death pero yun na yung naging experience ko dito [sa showbiz], e, lahat ng ginagawa ko.

“Pagkanta, pag-arte, everything. Parang I just jump into it.

“I earned it here, dito ko natutunan and it’s brought me nothing but great things.”

Ideya raw ng manager niyang si Popoy Caritativo na mag-audition siya para sa Don’t Lose The Money.

Noong una raw ay ayaw ni Tom na mag-audition.

“At first I was like, sabi ko, ‘Poy, nakakatakot!’

“Lalo na nung ano, minsan nga pag sinasabi, ‘May hosting ng ganito, gusto mo ba?’

“Sasabihin ko, ‘Poy, huwag, kakanta na lang ako, okay lang?’

“Ganun!” at natawa si Tom.

“Kaya nung sinabi niya I was really scared. Pero sabi niya, ‘Audition lang naman yan.’

“‘Sabagay, sige, audition lang naman. Walang mawawala.

“Okay, bahala na!’”

At masaya si Tom na itinuloy niya ang pag-a-audition at siya ang napili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buti na lang kasi I’m having such a fun time! It’s something new, it’s a different experience.

“Mahirap siya for now kasi hindi pa ako masyadong nakaka-adjust. You know, keeping your energy up lagi in different episodes, making it feel like it’s brand new, it’s fresh.

“Pero I’m in great hands. The crew, the production, the director.”

Si Mark Reyes ang direktor ng Don’t Lose The Money.

“Direk Mark is just great, ang bait. He’s just there, nakaalalay lang din. The whole crew nakaalalay lang din.

“I mean they’re there; the writers, the whole staff. Feeling mo hindi ka mag-isa dun. Kaya somewhat nawala yung kaba na you’re swimming out there on your own.

“It felt good na may mga kakampi ka rin. Kaya I’m in safe hands and I’m having a lot of fun.”

Mapapanood na ang Don’t Lose The Money simula sa September 22, Lunes, sa GMA pagkatapos ng Basta Everyday Happy.

Magge-guest ba si Carla Abellana sa Don’t Lose The Money?

“Hindi ko alam, e. Hopefully, hopefully. I would like that.

“I would like that, that would be nice,” ang nakangiti pang sinabi ni Tom.

Si Carla ang leading lady ni Tom sa drama series na My Destiny at nililigawan (o pinopormahan, ayon na rin kay Tom) ngayon ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN