Former Kapamilya Regine Angeles asserts now is the perfect time to be a Kapuso

by Ruel J. Mendoza
Jul 22, 2019
PHOTO/S: Instagram

Nasa bakuran na ng Kapuso network ang dating Kapamilya na si Regine Angeles, female winner ng Be Bench/The Model Search (2007).

Masaya ang experience ni Regine nang mag-guest siya sa afternoon series na Dragon Lady.

Kasama siya nina Sunshine Dizon at Mike Tan sa "Throwback Pag-ibig" episode ng Wagas, kung saan social climber ang papel niya. Sa Agosto pa ipapalabas ang nasabing episode.

Huling teleserye ni Regine sa ABS-CBN ay La Luna Sangre (2017) bago siya nabuntis ng mister niyang si Van Victor Leaño.

Bakit iniwan niya ang ABS-CBN at piniling maging Kapuso?

“I’ve always been open to try and explore different things and different environment,” sabi ni Regine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Hulyo 19, Biyernes, via Messenger.

“I've always been a freelancer.

"There’s a time that GMA was trying to get me, but the timing wasn’t always right because I was always doing something with ABS- CBN.

Continue reading below ↓

“So, I guess now is the perfect timing and I’m really excited to be here.”

Gusto ni Regine na maging kontrabida sa future projects niya with GMA 7.

“Dream ko maging kontrabida talaga.

"Laging role ko noon, best friend or sister ng bida. Gusto ko nang maka-graduate sa mga ganoong roles.

“Sana mabigyan ako ng matinding role as a kontrabida.

"Yung acting vehicle talaga para maipakita ko yung mga natutunan ko sa paglabas sa maraming teleserye."

Kabilang sina Dingdong Dante, Marian Rivera, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, at Michael V sa mga gustong makatrabaho ni Regine sa Kapuso network.

“Sila yung top stars ng GMA, di ba?

"'Tsaka napapanood ko sila. Magagaling sila and I will be able to learn a lot from them."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results