Dingdong Dantes invites South Korean stunt actors to train Pinoy stuntmen

by Rose Garcia
Jul 26, 2019
Dingdong Dantes is joined by daughter Zia Dantes on stage during the graduation of #BeScene, a training for Pinoy stuntmen sponsored by Yes Pinoy Foundation.
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinangunahan ni Dingdong Dantes, sa pamamagitan ng Yes Pinoy Foundation (YPF), ang graduation ng #BeScene nitong Hulyo 21, Linggo, sa Studio 4 ng GMA Network.

Limang araw na nag-training ang ilang members ng Stunt Association of the Philippines (SAP) sa ilalim ng apat na stunt actors ng Seoul Action School-Korea.

Layunin ng naturang pagsasanay na mapalaganap ang awareness ng kaligtasan sa hanay ng local stuntmen.

Continue reading below ↓

“We made sure na yung imbitasyon natin ay sinend natin sa lahat ng mga grupo, kasi marami pong grupo sa atin,” lahad ni Dingdong.

“Siguro dalawang representative per group para kung anuman ang natutunan nila, yun naman ang ituturo nila sa grupo.

"Kumbaga, passing it forward."

Itinuro rito ang pag-upgrade ng skills.

Ang Red Cross ay nag-conduct ng safety training sa kanila.

Ang insurance company na FWD Life Insurance Corporation Philippines ay nagturo ng financial literacy.

“Siksik na siksik na five days talaga para sa kanila,” saad ng Kapuso Primetime King.

“Together, nag-craft sila ng handbook.

"Ito yung handbook na ibibigay sa FDCP [Film Development Council of the Philippines].

"Kasi, kasalukuyang gumagawa ang FDCP ng guidelines for the industry."

Umpisa pa lang ang ginawa nilang #BeScene at posibleng masundan pa.

Saad ng kapuso actor, “Graduation pa lang ito, pero ang totoo niyan, ito ang umpisa.

Continue reading below ↓

"Aside from education, number two, yung inclusivity ng bawat kasali.

"And three, yung unity, di ba?

“Marami pong stunt groups at sana, maging opportunity ‘to sa lahat ng ating stunt groups para makiisa.

"Kasi, kung sama-sama, mas stronger together."

AT THE HANDS OF STUNTMEN

May mga nagulat at natuwa sa pagpapakita ng interes ni Dingdong sa kapakanan ng stuntmen sa bansa.

Ayon kay Dingdong, matagal na nilang naiisip ang naturang proyekto ng YPF.

Nagswak ito sa advocacy ng YPF na education at uplifting the lives of working students.

“Matagal na naming pinag-uusapan ‘to,” aniya.

“Kasi, in my little over two decades sa industry, in so many instances, literal ang buhay ko, e, hawak nila. Nasa kanilang mga kamay.

“Kung nasa building kami na may wire, sila ang nakahanap dun.

"Parang doctor ‘yan, in one point, I have your life in my hand.

Continue reading below ↓

"Madalas, sila yung nasa background, hindi sila yung nasa limelight.

“So for me, they’re the unsung heroes.

"So, it’s just about time we recognize them and give importance. So, how do we give importance, ‘di ba?

“Kailangan talagang nakikita at nararamdaman. Hindi lang sa tulong, but it’s the upliftment of the morale.

“Pero siyempre, ang bottomline, we want a better quality of life."

Maraming nakatrabahong stuntmen si Dingdong.

Isa na rito si Boy Roque (RIP) na nakatrabaho niya sa Cain at Abel.

May koneksiyon ba ang nangyari kay Eddie Garcia (RIP) kaya niya ginawa ang #BeScene?

“Koneksiyon? Matagal na ito, matagal na ito,” sabi niya.

“Pero siyempre, lahat ng nangyayaring aksidente sa set, yun ang mga bagay na ayaw nating mangyari kaya meron nito.”

Nabanggit din ni Dingdong na hindi naiiba sa kagustuhan nilang actors ang gusto ng stuntmen.

Continue reading below ↓

“Hindi masyadong nagkakalayo kung ano ang kailangan namin as actors, ganun din sila. But sila, even more.”

STUNT ACTORS FROM KOREA

Ang South Korean stunt actors na nag-train sa ilang local stuntmen ay sina Kim Sun Woong, Daniel Choi at Lee Byung Hun.

Nagtrabaho sila sa Korean TV series & films tulad ng Goblin, Kingdom, Train to Busan, Battleship Island, at Mr. Sunshine.

Posibleng makasama rin nila ang mga ito sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

Continue reading below ↓

“Inimbitahan natin sila para sa Descendants... but of course, they have to go back. But we’ll see kung ano ang magiging usapan.”

Bakit Korean stuntmen ang napili ng YPF na magkaroon ng collaboration sa project na #BeScene?

Paliwanag ni Dingdong, “Well, for one, may access tayo sa kanila.

"Pangalawa, alam natin kung gaano sila ka-globally recognized not just because of their talents, but because of their discipline.

“I’m not saying the others are not, I’m not saying ours ay hindi... but what I’m saying is, open tayo and we’re humble to appreciate and get more knowledge with our neighboring countries.

“Sila, gaya ng sabi nila, may natutunan din sila sa atin.

"As much as we learned from them, they also learned from us.

“And we give much respect on how they value their craft.

Continue reading below ↓

"Doon pa lang sa proseso, hindi lang sa execution, ay may matututunan sa kanila."

Masaya si Dingdong dahil sa suporta mula sa mga kaanak ng action superstars sa bansa tulad ni Mark Lapid na anak ni Senator Lito Lapid, at Bryan Llamanzares na apo ni Fernando Poe Jr.

Dumating din si Congressman Alfred Vargas.

Continue reading below ↓

Lahad ni Dingdong, “In-explain ni Governor Mark Lapid kung paano nagsimula ang tatay niya, nakakatuwa.

"Lahat talaga, malapit sa puso nila ang industriya.

“Ito yung next generation, parang ito ang pagbibigay-pugay sa yaman na bigay ng kanilang ama sa industriya.”

Natawa si Dingdong nang tanungin namin kung posible kayang isang araw, siya na ang leader ng Actors’ Guild sa Pilipinas.

“Malabo pong mangyari yun,” sabi niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes is joined by daughter Zia Dantes on stage during the graduation of #BeScene, a training for Pinoy stuntmen sponsored by Yes Pinoy Foundation.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results