Jobelle Salvador surprised when she learned she will join Maja Salvador and Janella Salvador in The Killer Bride

Jobelle corrects Maja about their relationship during their first meeting.
by Julie E. Bonifacio
Jul 27, 2019
Jobelle Salvador (center) explains how she is related to Killer Bride's lead stars Maja Salvador (left) and Janella Salvador.
PHOTO/S: Noel Orsal

Balik-showbiz ang aktres na si Jobelle Salvador pagkatapos mamalagi ng dalawa’t kalahating taon sa Amerika.

Ang huling teleserye niya ay You’re My Home na pinagbidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

“And then, kaya lang si Mama ko, nagkasakit.

“And I’m the only girl in the family, kailangan lang ng may magbantay,” lahad ni Jobelle sa mediacon ng bago niyang teleseryeng The Killer Bride nitong Hulyo 25, Huwebes sa Dolphy Theater, ABS-CBN, Quezon City.

“So, medyo I temporarily stopped na naman.

“Umuwi ako doon. Nag-aral din ang anak ko.”

Nagbakasyon siya sa Pilipinas last May.

“But before po ako umuwi nung May, nakatanggap naman ako ng text from the production, si Miss Roda," tukoy ni Jobelle sa executive producer ng show na si Roda dela Cerna.

“And then, tinatanong lang niya po kung nasa Manila ako.

“And I said, ‘No, I’m still in Vegas. Pero uuwi ako, for vacation lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then, she said, ‘Are you staying for good?’ Sabi ko, ‘Hindi pa siguro.’

“Kasi nga, kailangan ko pang bumalik ng Japan… kasi, every year, nagbabakasyon kami doon ng anak ko.

“It’s for my daughter, she’s half-Japanese.

“So, ‘tapos sabi niya, kasi nga raw, may project.

“Pero never naman niyang binanggit na ang kasama, sina Maja, Janella walang ganoon,” pagtukoy ni Jobelle sa kanyang mga kamag-anak na sina Maja Salvador at Janella Salvador na artista rin.

“Sabi lang niya na, kasi nga raw, may project and kung uuwi ako, mag-i-stay ako, you know, they’re considering me.

“Pero walang confirmation pa.

“So, anyway, dumating ako rito. Hanggang ngayon, nagparamdam lang ako."

Puwede na nga raw siya kunin noon, kahit na guesting lang sa Maalaala Mo Kaya o MMK.

“Sabi ko, nandito ako kapag kailangan ninyo for MMK or something, yung guesting lang.

“Hanggang, I think a few days bago ako umalis, tinanong nila ako. Kung puwede raw ako mag-cancel or mag-extend, kasi look test na raw sa Monday.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, ‘Look test na yun. E, di pasok na ako.’

“Excited na rin ako, ‘tapos kinausap ko yung mga anak ko.

“Sabi ko, ‘Is it okay if I stay muna?’ Kasi, two and a half years na rin akong wala sa showbiz, sabi ko, and I really miss it.

“Sabi naman ng anak ko, who recently graduated in high school, magka-college na, sabi niya, ‘Go ahead, Mom. I’ll be okay.’

“So, sabi ko, sige, tatanggapin ko.

“And then, doon sa look test, wala akong alam kung sinu-sino ang kasama.

“Ang alam ko lang, si ano, si Geoff Eigenmann, anak ko.

“Pero pagdating ko rito, nakita ko si Maja, nandoon. Nandoon si Janella. Sabi ko, ‘Anong meron?’

“Hanggang sa nakita ko doon, nakapaskel, Killer Bride. E, bigla akong nagulat!

“Sabi ko, nung nakita ko si Maja, ‘Ikaw, hindi mo man lang sinasabi sa akin.’

“‘Secret. Surprise. Surprise,’ sabi sa akin ni Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I was really excited and happy.”

HOW IS JOBELLE RELATED TO MAJA AND JANELLA?

Si Maja ay anak ng yumaong aktor na si Ross Rival.

Kapatid ni Ross ang ama ni Jobelle na si Direk Leroy Salvador.

Magpinsan sina Jobelle at Maja.

Pamangkin naman ni Jobelle si Janella sa pinsan niyang singer na si Juan Miguel Salvador.

Ayon pa sa nagbabalik na aktres, “Pero sa amin, alam mo naman sa amin, wala kaming second-second, first-first.

“We’re all related. We’re all Salvador. Walang first, walang second.

“Actually, for that, si Tita Malou also is part Salvador. Ha-ha-ha," banggit ni Jobelle sa kasama rin nila sa Killer Bride na si Malou de Guzman.

“Kasi, may anak si Tita Malou kay Tito ChiChi, the father of Maja. May anak si Tita Malou de Guzman.

“May kapatid si Maja na anak ni Malou, si Luchi.”

BONDING WITH MAJA AND JANELLA

May plano ba siya to make up for the lost time para sa kanila nina Maja and Janella?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Jobelle, “Oo, siyempre naman. Sana nga, makapag-bonding kami.

“Actually, we’re already planning. Kaya lang, sunud-sunod yung taping namin ngayon, e.

“Kaya naghahabol din kami. Eere na po kami.

“Sinasabi ko nga kay Maja, kasi ano, na-miss niya yung generation namin, yung buhay pa yung mga tito, tita na talagang… I’m sure, nandoon kayo, di ba?" tanong ni Jobelle sa mga kausap na reporters.

“Tuwing Pasko, uso pa yung Showbiz with the Salvadors.

“Parang tuwing Pasko, nagbibigay ng malaking party si Papa, especially on my birthday.

“So, lahat ng magkakapatid, yan, nandoon silang lahat sa bahay namin, mga pinsan namin. Lahat, magkakakilala kami noon.”

Kumusta sila sa set ng The Killer Bride?

“Tawanan kami,” sambit ni Jobelle.

“Doon pa lang actually sa look test, ano na kami, nagtatawanan na kami.

“Although, di ba, nabanggit nga ni Maja na hindi talaga kami close?

“Kasi, talagang hindi kami ganoon ka-close. Iba na kasi yung generation namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maja is the same age as my eldest son.”

Ano ang tawag sa kanya nina Maja at Janella?

“Ate lang,” sagot niya.

“Well, si Janella calls me Tita.

“You cannot deny that anymore. Kaedaran ko na ata yung father niya.

“Si Maja, Ate.

“Eto matatawa ka, si Maja, lokang yan.

“Unang pagkikita namin, May Bukas Pa ata yun. Siya, open arms, ‘Hi, Tita!’

“Sabi ko sa kaya, ‘Anong Tita, Ate mo lang ako.’ Ha-ha-ha!

“‘Huh,’ sagot niya. ‘Oo, sabi ko. ‘Si Papa, kapatid ng Papa mo.’

“Sabi niya, ‘Ay, ganoon ba yun?’”

SALVADOR SIBLINGS

Ilan ba ang magkakapatid na Salvador?

Saad ni Jobelle, “Kay Papa? Ang alam ko kasi 80, nasa 86. Yun yung known.

“Pero marami pa. Kasi, meron pa sa Hawaii, e.

“Meron pang kapatid ang papa ko sa Hawaii.”

Mas marami pa kesa sa mga Revilla?

“Oo, mas marami pa kami.”

Ilan silang mga anak ng ama niyang si Leroy Salvador?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Seven po, I have six brothers.”

Siya lang ang nag-artista sa kanilang magkakapatid?

“Hindi po. Nag-artista po yung bunso, si Jay Salvador. And then, si Jack.

“Halos lahat po kami, nag-artista. Lahat kami, isinabak din ni Papa.

“Pero ang nagtagal, ako.”

Anong nangyari sa kanyang inang maysakit?

“She passed away, like, a year and a half.

“Wala na kaming mama, wala na kaming papa,” sambit ni Jobelle.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jobelle Salvador (center) explains how she is related to Killer Bride's lead stars Maja Salvador (left) and Janella Salvador.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results