Geoff Eigenmann reunites with Maja Salvador in The Killer Bride

by Melba R. Llanera
Jul 29, 2019
Geoff Eigenmann on working with Maja Salvador again: “Mas mature na kami ngayon. Mas marami nang pinagdaanan."
PHOTO/S: Noel Orsal

Masaya si Geoff na makapareha si Maja Salvador sa Kapamilya teleseryeng The Killer Bride.

“I'm very happy to be back in ABS-CBN, of course, and to be part of this project na napakalaki. Very overwhelmed.

“Siyempre, the preasure is there to be able to give what people expected.

"I play the role of Vito de la Cuesta, magiging ka-partner ni Camila de la Torre, which is played by Maja.

“Doon magre-revolve ang story around. May ano ito, e, past and present.

"Sa past, para kaming Romeo and Juliet, our families hate each other.

"Mahal namin ang isa't isa, gagawin namin ang lahat para ma-prove sa pamilya na even though our families are conflicting, our love's there.

"Nakatrabaho ko si Maja before when we did First Day High.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa grand mediacon ng The Killer Bride noong Huwebes, July 25, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Magka-partner na rin sana before sina Maja at Geoff sa teleseryeng Moon River. Isang buwan na silang taping, bago iyon na-shelve.

“Very comfortble ako working with Maja,” kuwento pa ni Geoff.

“Matagal na kaming magkakilala. We do scenes together, sobrang professional, sobrang easy to go with flow of the scenes.

“Hindi lang siya tanggap nang tanggap. Nagbibigay rin siya, so nakakahatak ako sa kanya.”

Naniniwala si Geoff na perfect timing ang The Killer Bride kung saan marami nang nabago sa kanila ni Maja sa personal at propesyonal na aspeto.

"Ngayon, tuloy na tuloy na.

"For me, this is a better time para maano iyung pagsasama namin.

“Mas mature na kami ngayon. Mas marami nang pinagdaanan.

"Just seeing her again, talking to her, ang laki na ng ipinagbago niya.

“Yung maturity level niya, how she brings herself.

"Ako rin, in my case, ang dami ko nang pinagdaanan.

Continue reading below ↓

“Tatay na ako ngayon, so maturity level is different also.

"Yung maipapakita namin ngayon, deep na from what we were able to show before."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geoff Eigenmann on working with Maja Salvador again: “Mas mature na kami ngayon. Mas marami nang pinagdaanan."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results