Jeric Gonzales wants to be the next Kapuso leading man

IMAGE Noel Orsal


Winner si Jeric Gonzales ng Protege: The Battle for The Big Artista Break (2012).

Ano ang payo niya para sa mga kasali sa 7th Season ng StarStruck?

“Siguro number one talaga yung attitude. Iyon talaga.

"Yung pakikisama sa lahat," pahayag ni Jeric nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon para sa Bova Acting Workshop nitong Hulyo 30, Martes, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

“Kasi ako, based on my experience, iyon yung parang sa tingin ko, ha, naging factor ko, na nanalo ako.

“Yung pagiging humble all the time, yung huwag makalimutan na siyempre magdasal, yung pamilya mo, and then kung saan ka galing.

“Grounded ka pa rin kahit anong mangyari.

“And then, lahat ng mga kasama mo—from the small people to our bosses—na maganda, maganda lahat ng pakikisama mo.

"Kasi, magre-reflect sa iyo iyan as a person."

Nanatiling loyal si Jeric bilang Kapuso.

“Siyempre, yung fact na sila yung nag-hone sa akin as an artist dito, homegrown nila ako, and then all these time, talagang hindi nila ako pinapabayaan with projects and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So iyon, sa tingin ko, dito talaga ako, meant to be Kapuso!”

NEXT KAPUSO LEADING MAN

Gusto ni Jeric na maging next leading man ng GMA, tulad nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Ano ang ginagawa niya para ma-achieve ito?

“Siyempre, inaalagaan ko talagang mabuti yung sarili ko.

"All the time, I see to it na I look young pa rin. Na hindi mabilis magbago ang hitsura ko.

"'Tapos siyempre, improving my ano pa rin, skills, workshops.

"'Tapos, eventually sa hosting, puwede rin, soon!"

Unang beses ni Jeric na mag-workshop sa ilalim ng acting coach na si Anthony Bova. Ano ang natutunan niya rito?

“To know myself more. Kasi, by that, mas makakapag-work ako nang maganda.

"Iyong mga emotions ko, lahat, from the past. Kasi gagamitin talaga namin dito is kami, e.

"Lahat ng mga experiences namin from the past, lahat ng emotions namin, na nangyari sa amin.

"So, much better na maayos namin ang sarili namin, alam namin, sa sarili namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZERO LOVE LIFE

May bagong Kapuso series si Jeric, ang Magkaagaw, katambal si Klea Pineda na nakasama niya sa Ika-5 Utos.

“Ngayon, sa amin talaga yung focus, so makikita ng mga tao kung talagang may chemistry kami or wala.

“Kung talagang yung relationship namin sa co-actors is effective ba?

“And then this time, mas mature na siya, so kaya ba namin yung commitment na yun?

“Iyon nga yung wino-work hard namin sa workshop. Lalo na yung relationship na palagi kaming magkasama, getting-to-know each other.”

Zero ang love life ni Jeric.

Mahirap ba sa tulad niyang guwapong binata na wala siyang karelasyon?

"Hindi naman," sagot ng 26-year-old Kapuso actor.

"It’s about prioritizing kung ano talaga ang gusto mo, yung my goal ka talaga.

“Kung may goal ka, kahit na may mga babae diyan, of course, hindi mo maiiwasang magka-crush, mga ganun.

“Pero nasa sa iyo na yun kung magiging girlfriend mo siya o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So for me kasi, focus muna dun sa isa, sa career.”

Loveless din si Klea. Magkainlaban kaya sila?

“Why not? Hindi natin masasabi.

"Kasi, di ba, kung nung una sa Ika-5 Utos, close na kami, sa tingin ko, mas iba na ngayon.

“Lalo na yung mga gagawin namin, for sure, may love scenes or mas mature na ano.

"So, mas magiging close talaga kami, na to the point na malalaman siguro naming lahat tungkol sa isa’t isa.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close