"Very brutal" ang deskripsyon ni Phoebe Walker tungkol sa kanyang kontrobersiyal na death scene sa Ang Probinsyano.
Isa ang character ni Phoebe sa mga namatay na policewoman sa nabanggit na Kapamilya TV show. Umani ng mga puna ang death scene ng lady cops dahil bago pinatay ang mga ito ay pinahirapan muna at ni-rape ng mga miyembro ng grupo ni Bungo na ginagampanan ni Baron Geisler.
Kuwento ni Phoebe, medyo nagka-trauma raw siya sa ginawa nilang eksena.