Newbie Raven Molina cool about kissing scene with Mark Neumann

IMAGE Rose Garcia

Raven Molina on being questioned about his sexuality: "Sa akin, okay lang, pagdudahan nila ako, open naman ako. Willing naman ako kahit na ano ang ibato sa akin."


May butt exposure at love scene with Mark Neumann ang Star Magic at PPL Entertainment artist na si Raven Molina sa advocacy series ng iWant na Mga Batang Poz.

“Ito ang pinaka-first na magandang role na nagawa ko sa ABS.

"May mga nagawa na rin ako, pero ito yung parang major talaga," pahayag ng baguhang aktor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng PPL Entertainment kamakailan.

Streaming na sa iWant ang Mga Batang Poz, kung saan bading na best friend ni Mark ang papel ni Raven.

“Sa audition pa lang, naging honest na sila agad.

"Sinabi na nila na, ‘Raven, ito ang role mo. If ever na makukuha ka ba namin, kakayanin mo ang ganitong role? Magpapakita ka ng puwet, makikipaghalikan ka sa kapwa mo lalaki. May instances na puwedeng makita ang singit-singit mo.’”

Alam niya na gay role ang ipinapa-audition. Hindi lang niya alam na ganoon ka-daring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang director ng digital series ay si Chris Martinez.

“Siguro yung pagiging honest nila, hindi ako natakot, e.

"Naisip ko, wow, ibang eksena ‘to, ibang atake.

“Kung gusto mo talagang maging actor ka, dapat flexible ka sa lahat ng eksena, sa anong puwedeng ipagawa sa ‘yo.

“So ako, ‘OK, Direk, tatanggapin ko ‘to.’ Hindi ako natakot, e.

"Kasi, ako yung tipo ng tao na sobrang open-minded. Lalo na sa feelings ng lahat ng gender sa paligid ko.”

Nakahanda siya sa pagpapaka-daring at pagpapa-sexy?

“Hindi naman sa nakahanda, pero kaya ko, e, kaya kong gawin kung ano man ang ibigay nila.

"Kasi, kung gusto mo talagang maging magaling na actor...”

THE NEXT COCO MARTIN OR JAKE CUENCA?

Ang peg daw ni Raven ay sina Coco Martin at Jake Cuenca.

“Sobrang idol ko sina Coco Martin, Jake Cuenca.

"Kasi, kung makikita naman natin, may mga ganun na silang projects.

“Teenager pa lang ako, pinapanood ko na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, may tulong na rin ang manager ko na si Sir Perry [Lansigan] na pinalakas niya ang loob ko sa mga bagay na gagawin ko.

“Sabi naman niya, ‘Hindi kita pababayaan. Hindi kita pagmumukhain na madumi, masama. Iingatan ka pa rin namin kung mga ganyan ang roles na gagawin mo.’”

Paano kung ma-typecast na siya sa sexy role?

“Sa akin, walang problema, go lang,” nakangiting sabi ni Raven.

“Ako kasi ang tipo ng tao na basta gusto ko ang isang bagay, go lang talaga.

"Sabi nga nila, fighter, warrior."

FIRST KISSING SCENE

Kaya pa niyang higitan ang nagawa niya sa Mga Batang Poz?

“Kung may ibibigay ba silang mas pa, why not?” ang tila hamon pa niya.

“Siyempre, nagulat ako sa mga kissing scene namin.

"First time ko talagang makipag-kissing scene, on-cam pa,” saad niya.

Hindi raw sila nagkailangan ni Mark.

“Hindi, e,” sabi niya.

“Parang bro, bro, sobrang casual lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong nag-kiss kami, hindi naman sa parang nagmamalinis or what, straight ako, pero yung feeling na kunwari, meron kang first girlfriend, first boyfriend, parang ganun yung nangyari sa amin ni Mark.

“Nagbibiruan pa nga kami ni Mark bago yung scene namin.

"Sabi namin, toothbrush na tayo, sabay tayong mag-toothbrush, para ma-relax din."

Walang problema kay Raven kung may magduda man sa seksuwalidad niya dahil sa ginawa niya sa Mga Batang Poz.

“Bahala sila... actor ako, kailangan flexible ako,” sabi niya.

Paano kung pag-isipan siya na bading pala o may karelasyong bading?

“Sa akin, okay lang, pagdudahan nila ako, open naman ako.

"Willing naman ako kahit na ano ang ibato sa akin."

INDECENT PROPOSALS

Nakakatanggap daw si Raven ng indecent proposals.

“Kahit sa Instagram, actually, kahit pumunta lang ako ng mall, may mga indecent proposal.

"Sa akin, okay lang, hindi ako maiilang, kasi ang dami kong friends na gay.

“Masarap silang kasama,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tahasang sinabi ni Raven na hindi siya nagkaroon ng anumang intimate o romantic relationship sa same sex.

Hindi niya nakikita ang sarili sa ganitong senaryo?

“Alam mo, ayokong magsalita nang tapos. Puwedeng mangyari, puwedeng hindi.

"Tao tayo, e. May mga kanya-kanya tayong pakiramdam.

“Basta, sobrang open-minded naman akong tao. Sobrang cool lang ako.”

Varsity basketball player si Raven hanggang sa maging commercial model bago niya pinasok ang pag-aartista.

Enjoy siya sa showbiz at pangarap niyang makagawa pa ng maraming proyekto.

“Kung hindi man maging successful, may mga fallback pa rin ako.”

Kaka-graduate lang daw niya ng kursong Business Management.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close