Geoff Eigenmann on working with ABS-CBN: "The air of professionalism is there talaga."

IMAGE Noel Orsal

Geoff Eigenman admits he felt bad when ABS-CBN shelved Moon River in the past, his supposed teleserye with Maja Salvador.


Manghang-mangha si Geoff Eigenmann kay Maja Salvador sa pagsasama nila bilang magkapareha sa upcoming ABS-CBN teleserye na The Killer Bride

Unang nakasama ni Geoff si Maja sa 2006 movie na First Day High na dinirek ni Mario Cornejo mula sa Star Cinema, pero hindi sila magkapareha.

Si Jason Abalos ang kapareha ni Maja sa pelikulang ito na siyang kauna-unahang pelikula nina Kim Chiu at Gerald Anderson bilang love team.

Ayon kay Geoff, ang kasunod sana na project nila ni Maja ay ang 2008 teleserye na Moon River, pero hindi ito umere pagkatapos ng halos isang buwan na taping.

Ano ang nakita niyang pagbabago kay Maja noon at ngayon?

“Sobrang laki,” diin ni Geoff nang makausap namin siya sa blogger’s conference ng The Killer Bride na ginanap sa ELJ Building, Quezon City, kamakailan.

“Sobrang mature na niya even how she is, off-screen. Very different na, ang laki na nang pinagbago niya.

"She has blossomed into an actress na talaga. Even the way she answers to this, ang galing na niyang sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She can really control the crowd, kumbaga. Kahit na lahat ng attention sa kanya, kaya niyang dalhin.

“Ako, kasi, mahina ako sa mga ganyan. Hahaha! Crowds make me nervous and all that.

"So, when I see her do her thing nakakalma ako kasi alam ko kaya niyang dalhin.”

Ano ang aabangan sa kanila ni Maja sa The Killer Bride?

“Ah, very mature, the content of the show also; marami siyang murders, may mystery, and may superstitions din siya.

"Very different from the shows I’ve done, it’s definitely something I haven’t done in my previous shows.

"And yung partnership nga namin ni Maja, I guess, mas malalim na nga yung bond namin ngayon than it was before.

"So, mas malalim na rin ang mapapakita namin.”

May pressure ba kay Geoff nung malaman niya na si Maja ang makakapareha niya pagkatapos ng tagumpay nito sa Kapamilya teleserye na Wildflower?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, definitely,” bulalas ni Geoff, "kasi Wildflower was on for at least a year. Medyo mahaba.

"Lahat ng tao, ako kahit hindi ako nanonood nung show, alam kung ano ang nangyayari.

“So, pressure din [long pause] para masundan yung Wildflower kasi nga people are anticipating that.

"But, like I said, yung partnership nga namin we’re comfortable na with each other and kaya na nga niyang dalhin. So, it’s really her.”

Nakatakdang mapanood ang The Killer Bride sa Primetime Bida ng ABS-CBN simula sa Lunes, August 12, 2019.

GEOFF BACK ON TRACK

Unang nakilala bilang teenage star si Geoff sa ABS-CBN at naging Kapamilya star hanggang lumipat siya sa rival network na GMA-7.

May pagsisisi ba on his part na umalis siya sa Kapamilya network noon?

Tugon ng aktor, “Uh, not naman necessarily I would be leaving ABS, but now that I’m older looking back at how my career went, maraming regrets, for sure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There are definitely things I could have done differently, I could have done better; but ako kasi, e, that’s the course that I took with my life.

“So, ang sa akin lang no regrets whatever path you choose, you deal with it kung anuman ang mabigay sa ‘yo.

"But if I could do everything all over again, I would definitely do things differently.”

Noong ginawa nila ni Maja ang Moon River may idea ba siya kung saan ipapalabas ang first project nila bilang magkapareha?

“Nung panahon na yun parang wala pang digital. It was for TV talaga.

"I’m not sure the particular reason why it didn’t air but we did it and hindi siya...[it] never saw the light of day. Hahaha!”

Sumama ba loob niya na hindi ito ipinalabas?’

“Uh, yeah, definitely. Kasi that was the first and only time it ever happened in my career, may ginawa ako 'tapos hindi naipalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It doesn’t happen to everyone. I guess I’m one of the few who got to experience that, but that’s part of life.

"Ganoon din talaga. Ang importante naman is ngayon mapapakita naming ni Maja through Killer Bride ang standard namin.”

May kontrata ba siya ngayon with ABS-CBN?

“As of now, it’s per project basis. No exclusive contract.”

Para sa kanya, what is the best thing about being a Kapamilya?

“Actually, sobrang, iba, e. When you’re in the walls of ABS, iba yung ihip ng hangin dito.

"It’s just, the air of professionalism is there talaga. The fulfillment of doing the TV show is really different.”

ON NETWORK CROSSOVERS

Ano ang opinion niya sa pagsasanib pwersa ng artists mula sa ABS-CBN at GMA-7 sa isang proyekto gaya ng bagong team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards?

“Actually ako, I’m all for that. Wala nang boundaries. Na you can’t do this because you’re part of this or you can’t be paired with someone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas maganda na yung you open your doors for everyone para you won’t know what that would open, di ba?

“So, ngayon nagsisimula pa lang. So, what if both companies merged for a single project, di ba? 'Tapos, pumatok. Magustuhan ng buong mundo, kumbaga.

"What if? It’s always a big what if. But it will only open new things and good things, I think.”

Ano ang difference ng paggawa ng teleserye sa Kapamilya network at sa Kapuso network?

“Very different,” tugon ni Geoff, "working hours naman, yun. That’s one thing.

“Working hours is a big difference. The people naman, e, iba-ibang tao rin naman ang nakakasama mo.

“So, I guess, ang pinaka-importante lang is yung pakikisama with everyone.

"As long as you get along with everyone and you get through the day na hindi kayo nagpapatayan or anything like that.

"Basta masaya kayo at nagagawa ninyo ang dapat ninyong gawin, everything should be good.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close