Sophie Albert thankful to be reunited with Bihag co-star Max Collins

IMAGE Instagram

Sophie Albert on what she learned from her Bihag character, Reign: "I learned na, as a person, kailangan mong lumugar sa situation mo. Hindi lahat ng gusto mo ay tama."


Bukod sa pisikal na awayan at sakitan nila ni Max Collins, anu-ano pa ang memorable experiences na ite-treasure ni Sophie Albert sa pagtatapos ng Bihag?

“I will really treasure the relationships we built on set!" sabi ni Sophie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email nitong Agosto 7, Miyerkules.

"Eight months kaming nagsama-sama at naging pamilya kami sa set.

“We went through hardships and triumphs together and that really leaves a special place in my heart.

“I'm also most thankful to be reunited with Max.

"We have known each other since we were teenagers and lost touch with each other.

“Because of Bihag, naging close ulit kami.

“Isa siya sa pinakamabait and pinaka-genuine na taong kilala ko,” pahayag ni Sophie tungkol kay Max.

Tumatak din kay Sophie ang lahat ng intimate/daring scenes nila ni Jason Abalos sa Bihag.

“I remember yung first scene namin ni Jason together ever, bed scene agad, and it took all morning to shoot,” sabi ni Sophie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Challenging siya because intimacy is very personal and it makes me feel very vulnerable.”

May mga natutunan ba siya sa character niyang si Reign, na isang kabit?

Sagot ni Sophie, “I learned na, as a person, kailangan mong lumugar sa situation mo. Hindi lahat ng gusto mo ay tama.

“Ang ginagawa mo, especially when you are doing something bad, has a negative effect not only on the person you are hurting but also on yourself.”

Sa direksyon ni Neal del Rosario, nasa Bihag din sina Mark Herras bilang SPO1 Larry Pineda, Neil Ryan Sese bilang Amado, at Raphael Landicho bilang Ethan.

Magtatapos ito sa Agosto 16, Biyernes.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close