Ikinuwento ni Lea Salonga kung gaano kahirap maging isa sa mga judge o coaches ng The Voice Kids.
Sa sobrang hirap nga raw, hindi na nakayanan ni Sharon Cuneta at kinailangang mag-press release pa na hindi ito magiging isa sa mga coaches sa panibagong season ng nabanggit na show.
Kumpara kay Sharon, sabi ni Lea tungkol sa sarili, "I'm a little more mean... I guess..."
Si Lea, Sarah Geronimo, at Bamboo Manalac ang tatlong orihinal na coaches ng The Voice Philippines franchise. Pinalitan ni Sharon si Sarah nung season 3 ng The Voice Kids at nagkasama-sama naman nung ginawa ang The Voice Teens nung 2017.
Ngayong season 4 ng The Voice Kids, bumalik si Sarah bilang isa sa mga coaches ng mga bata habang nag-beg off muna naman si Sharon.
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel