Mylene Dizon on kissing scene with Ice Seguerra: “Na-devirginize ko siya.”

IMAGE CY Diño Seguerra on Facebook (left), Noel Orsal (right)

Mylene Dizon (right) says she helped Ice Seguerra (left) in doing his first onscreen kiss for Call Me Tita.


“Na-devirginize” ni Mylene Dizon si Aiza "Ice" Seguerra.

Ganito ang biro ng aktres sa first onscreen kiss nila ni Ice sa iWant digital series na Call Me Tita. Ang series na ito ay mapapanood online simula August 18, 2019.

Ito rin ang unang role ni Ice na may karelasyon siyang babae.

“Virgin siya sa ganung eksena,” kuwento ni Mylene tungkol kay Ice.

“Ako ang naka-devirginize sa kissing scene na ganung klase.”

Alam ni Mylene na kinakabahan at naninibago si Ice, kaya naman siya ang nag-initiate ng mga gagawin para hindi mailang ang singer-composer.

“So, I had to be strong for him,” sinabi ni Mylene sa entertainment reporters sa media conference ng Call Me Tita nitong August 6.

Kuwento pa ni Mylene, “Ako yung, ‘hey, gawin natin ‘to.’

“And then ako yung tumutulong na lang, because hindi pa siya sanay, e.

“Hindi pa siya nakagawa ng ganun.”

Ulit pa ni Mylene, “Na-devirginize ko si Ice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Call Me Tita, gaganap si Mylene bilang si Frida, isang misis na kamakailan lang tinapos ang 15 taong pagsasama nila ng asawang Amerikano.

Sa kuwento, sinisikap ni Frida na ilihim ang trauma na inabot niya sa pagiging battered wife, hanggang hindi inaasahang nahulog ang kanyang loob sa karakter ni Ice na si Sam.

Bukod kina Mylene at Ice, tampok din sa Call Me Tita sina Angelica Panganiban, Agot Isidro, Joanna Ampil, Cherry Pie Picache, at Lorna Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ICE CAN’T SAY NO TO MYLENE

Samantala, overwhelmed naman si Direk Andoy Ranay sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Ice upang gawin nito ang kissing scene.

Kuwento ni Direk Andoy, “Sabi ni Ice while we’re doing it, sabi niya, ‘Direk, first time ko itong may love scene with a girl. First time kong onscreen na mahalikan ng girl.’”

Nagpasalamat naman ang direktor kay Ice.

Aniya, “Sabi ko, ‘wow, thank you…for the opportunity.’

“Tapos sabi niya, ‘how can I say no, si Ms. Mylene Dizon yan.’"

LIZA DINO PROUD OF ICE’S MALE ROLE

Nanood sa screening ng Call Me Tita si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño nitong August 7, at proud siya sa “male role” ng asawang si Ice.

Sa Facebook post ni Liza kinabukasan, August 8, para kay Ice, sinabi niya, “Nakakakilig to see you with a love interest at nakakaproud dahil hindi na HALAMAN Ang tingin sa mga transman ---walang love life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ang FDCP chairperson na hindi na limitado sa mga transgender actors na tulad ni Ice ang mga roles na maaari nilang gampanan.

“Im really happy na the role you're playing is no longer limiting you as an actor.

“Love, you're playing a MALE role. Can you believe that?

Sabi pa ni Liza, “The world is changing. I know that makes you proud. (Although siguro kaya ako ganito kasi di ko pa nakikita ang kissing scene mo).”

Sa nasabing post, hinikayat din ni Liza si Ice na tumanggap pa ng acting projects, dahil mayroon itong “natural gift” sa pag-arte.

Sa isang komento, nagpasalamat naman si Ice kay Liza "for letting me fly!!!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close