Zymic Jaranilla, younger brother of ABS-CBN's Zaijian, will be part of Yagit remake on GMA-7

GMA-7's remake of the well-loved TV drama series Yagit boasts of a new cast of young stars which include Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla and Steph Yamut.



Ngayong Oktubre na magsisimula ang muling pagbabalik ng classic ‘80s drama series na Yagit na ni-revive ng GMA-7.

Nagkaroon ng mahabaang paghahanap sa mga bidang bata na muling magbibigay-buhay sa mga batang yagit na sina Eliza, Jocelyn, Tomtom at Ding.

Noong nakaraang July, pagkatapos ng isang nationwide audition, nahanap ang apat na batang magiging bida sa pagbabalik ng Yagit bilang bagong teleserye sa GMA Afternoon Prime.

Ang premyadong aktres at director na si Ms. Gina Alajar ang siyang magdidirek ng Yagit.

NEW CAST. Ang gaganap sa papel ni Eliza Macabuhay ay si Chlaui Malayao na nakilala sa isang pancit canton TV commercial.

Ang mala-anghel na mukha ni Chlaui at ang kanyang pagiging biba ang siyang nakapag-convince kay Direk Gina na siya ang nararapat sa role na Eliza. Bumagay raw sila bilang mag-ina ni Yasmien Kurdi na gaganap sa papel na Dolores Macabuhay.

Ang child actor naman na si Zymic Jaranilla ang gaganap sa papel na Ding Reyes.

Si Zymic ay ang nakababatang kapatid ng ABS-CBN child actor na si Zaijian Jaranilla. Nakalabas na si Zymic sa GMA teleserye na Prinsesa Ng Buhay Ko.

Sina Judie dela Cruz at Jemwell Ventinilla naman ang gaganap sa magkapatid na Jocelyn at Tomtom Macabuhay. Sila ang mga pinsan sa serye ni Eliza.

Si Jemwell ay dati nang sumali sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN at sa Little Singing Star contest ng The Ryzza Mae Show.

Sasamahan din sila ng isa pang bata na si Steph Yamut na taga-Cebu at gagampanan nito ang role na Tiffany.

Malaki ang expectations ng GMA-7 sa muling pagbalik ng classic series na ito na naging paborito ng marami noong dekada '80.

DIREK GINA'S EXPECTATIONS. Kabilang si Direk Gina na umaasa na muling mamahalin ang Yagit kahit na binigyan nila ito ng bagong bihis, pero ang tema ng pagmamahal, pag-uunawa, pagkakaibigan at pamilya ay hindi mawawala sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa batikang direktor, “Malaking pagsubok ito dahil saksi ako sa pagpili ng mga batang ito mula sa maraming nag-audition.

“Bilang child actor myself, alam ko ang kaba na naranasana nila. Yung pagod, yung hindi ka mapakali dahil hindi mo alam kung tama ba o mali ang ginawa mo? Lahat ‘yan napagdaanan ko noon kaya naiintindihan ko sila.

“But I am happy that I was given this opportunity to work with new actors. Kasama ako sa paghulma sa kanila sa pinasok nilang mundong ito ng pag-aartista.

“Sinasabi ko naman sa kanila, never lose that child in them. Manatili silang bata sa puso at isipan nila. Diyan kasi manggagaling ang husay nila sa pagganap sa Yagit.

Ang ilan pang bubuo ng cast ng Yagit ay sina James Blanco, LJ Reyes, Rich Asuncion, Renz Fernandez, Frank Magalona, Wowie de Guzman, Kevin Santos, Maricris Garcia, Buboy Villar, Ina Feleo, Racquel Villavicencio, Gene Padilla, Nomer Limatog at Joseph Bitangcol.

Naging hit series ang Yagit noong 1983 na mula sa panulat ni Jose Miranda Cruz at Eddie Ilarde. Si Jose Miranda Cruz din ang director nito.

Sa pamamagitan ng naturang serye, nakilala ang mga bida na sina Jaypee de Guzman, Janet Giron, Jocelyn Cruz at Tom-Tom.

Si Jaypee ay naging isang award-winning child actor at lumabas sa mga pelikulang Saan Darating Ang Umaga?, Kapag Puso’y Sinugatan, Tinik sa Dibdib, Mga Ibong Pipit, Give Me Five, Dear Mama, Teng-Teng de Sarapen, Nang Maghalo ang Balat sa Tinalupan, Isang Platitong Mani, Huwag Mo Kaming Isumpa at Fly Me To The Moon.

Lumalabas ngayon si Jaypee sa GMA teleserye na My BFF.

Si Janet Giron naman ay gumanap na batang Sharon Cuneta sa pelikulang Bukas Luluhod Ang Mga Tala.

Si Jocelyn Cruz ay nakasama si Vilma Santos sa pelikulang Alyas Baby Tsina.

Si Tom-Tom naman ay lumabas sa mga comedy films tulad ng Rocky Four-Ma, Ang Pusakal At Mga Yagit at Magbiro Ka Na Sa Lasing Huwag Sa Bagong Gising.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin noon sa teleserye na Yagit sina Connie Angeles, Ernie Garcia, Joaquin Fajardo, Romy Diaz, Jervy Cruz, Ric Santos at Zeny Zabala.

Ginawa itong pelikula noong 1984 ng Viva Films titled Mga Batang Yagit kunsaan nakasama ng mga bida ng Yagit series sina Dindo Fernando, Charo Santos, Amy Austria, Beth Bautista, Bembol Roco, Jay Ilagan, Rowell Santiago at Bella Flores. Dinirek ito ni Leroy Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN