Alden Richards gets Asia's Multimedia Star title; renews contract with GMA-7

by Rose Garcia
Sep 3, 2019
Asia's Multimedia Star Alden Richards on being a loyal Kapuso: "Kumbaga, parang, bakit pa ako maghahanap kung nandito na lahat ang hinahanap ko?"
PHOTO/S: Noel Orsal

Halatang hindi pa sanay si Alden Richards sa bago niyang titulo—Asia’s Multimedia Star.

May kinalaman ang bagong titulo ng Kapuso actor sa iginawad sa kanyang Asian Star Prize sa ginanap na 2019 Seoul International Drama Awards sa South Korea.

Hindi pa man sanay sa bago niyang titulo, pero hindi itinanggi ni Alden na masaya siya tungkol dito.

“Sobrang saya po,” nakangiting sabi niya.

“Dahil po sa bagong titulo na ‘to, medyo nakikilala po tayo sa labas, sa international scene, sa international award-giving body.

“Parang mas nakaka-inspire pa pong magtrabaho and to do different acting works.

“Nakita ko rin po, yung mga nakakasama ko sa awards night na iba-ibang lahi, na we share the same passion as I do when it comes to acting.

“Na talagang when it comes to acting, it’s a universal language, para sa lahat.

“And the main objective of that job is to really inspire people through projects, through movies, through teleserye.

Continue reading below ↓

“So, ang dami pa pong puwedeng gawin.

“Ang dami pa pong taong naghihintay na ma-inspire sa mga trabaho po.”

Nabanggit din ni Alden ang posibilidad na magkaroon siya ng collaboration sa ibang Asian artists, tulad nga sa South Korea.

Pero sa ngayon, may binubuo nang proyekto para sa kanya sa Thailand.

Humarap si Alden sa entertainment press pagkatapos ng renewal of contract niya bilang Kapuso sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City, ngayong Martes, September 3.

NINE YEARS OF BEING A KAPUSO

Siyam na taon nang loyal Kapuso si Alden mula nang gawin niya ang teleseryeng Alakdana, katambal si Louise delos Reyes, noong 2011.

Pahayag ni Alden sa muli niyang pagpirma bilang isang Kapuso, “Kumbaga, pagdating naman po talaga sa renewal of contract sa GMA, wala naman po akong iba talagang ginusto kung hindi sa Kapuso network for the longest time.

“Naniniwala po akong talaga that loyalty goes a long way, especially with GMA.”

Continue reading below ↓

Masaya at kuntento si Alden sa pagtrato sa kanya ng home network.

“Yung pagtrato po nila sa akin dito since the day I started, wala pong pinagkaiba.

“Patuloy rin po akong binibigyan ng pagkakataon ng GMA na maipakita kung ano man po ang mga bagay na kaya kong gawin in terms of roles and projects that I need to do.

“Hindi po sila naging madamot kapag nanghihingi ako ng permission to work outside of the network.

“They always supported my growth as an actor… everyone—from management to my bosses po sa taas.

“Kumbaga, parang bakit pa ako maghahanap kung nandito na lahat ang hinahanap ko?”

Nitong taon nga lamang ay pinayagan ng GMA-7 si Alden na gumawa ng pelikula sa Star Cinema, ang film arm ng rival network nitong ABS-CBN.

Ito ay ang Hello, Love, Goodbye kung saan nakatambal ni Alden ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay malapit nang umabot sa P900 million ang box-office gross ng unang pagtatambal nina Alden at Kathryn.

Siyam na taon na si Alden mula nang maging isang Kapuso. Pero hindi raw niya naisip na lumipat ng ibang network.

“Never, never po,” pakli niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Multimedia Star Alden Richards on being a loyal Kapuso: "Kumbaga, parang, bakit pa ako maghahanap kung nandito na lahat ang hinahanap ko?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results