Yasmien Kurdi names her favorite female action stars in Hollywood

by Rommel Gonzales
Sep 5, 2019
Yasmien Kurdi on mini-reunion with StarStruck batchmates: "Seeing them, 'tapos lahat kami nag-mature at lahat kami nandito, parang, sobrang saya ng feeling na, ‘Lahat tayo, nandito para i-mentor yung mga bata at senior na tayo ngayon sa StarStruck!'"
PHOTO/S: Noel Orsal

Mala-Charlie’s Angels ang Beautiful Justice, ang bagong primetime series ng GMA-7.

Kung sa Charlie's Angels ay bida ang Holywood actresses na sina Drew Barrymore, Cameron Diaz, at Lucy Liu, sa Beautiful Justice ay bida naman ang Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, at Gabbi Garcia.

Ayon kay Yasmien, napanood niya ang dalawang Charlie’s Angels movies.

“Favorite ko dun si Drew Barrymore. Kasi, parang siya yung chubby nung time na yun pero aksyon na aksyon siya.

“Mula nang lumabas si Drew Barrymore, parang sinira niya yung concept ng mga kababaihan na sexy kapag payat.

“Eto, ipinakita ni Drew Barrymore na yung voluptuous, puwedeng maging sexy.

“Alam mo yun? Iyon ang ipinakita ni Drew Barrymore, so sobrang siya yung naging favorite ko dun sa Charlie’s Angels.

Pero ang peg ni Yasmien para sa role niya sa Beautiful Justice ay si Uma Thurman sa Kill Bill.

Continue reading below ↓

“Kasi mas intense, I guess, yung mga action scenes namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) Yasmien sa grand mediacon ng Beautiful Justice noong August 27, Martes, sa Le Revé Events and Party Place sa QC.

FROM STARSTRUCK HOPEFUL TO STARSTRUCK MENTOR

First Princess ng StarStruck Batch 1 si Yasmien.

Si Yasmien ang mentor ni Lexi Gonzales na StarStruck hopeful ngayong season 7.

Lahad ng Kapuso actress, “Pero yung papasok sa Final 4, lahat sila, good.

"Hindi ko nga ini-expect na matatanggal si Dani [Porter], e.

“Si Dani is a strong kalaban nila noon, competition talaga si Dani at hindi ko ine-expect na matatanggal siya.

"So, hindi ko alam kung anong mangyayari sa StarStruck, kasi parang bigla-bigla yung lahat ng bagay.

“So, hindi ko alam kung sino yung magiging Ultimate Survivor nila.

“Pero bilang mentor ni Lexi, I do my best na sabihin sa kanya yung mga natutunan ko in showbiz, kung paano ba ito or paano ba iyon.

Continue reading below ↓

“Like, sa acting test niya, pumupunta ako.”

Nais ni Yasmien na makabisita si Lexi sa taping niya ng Beautiful Justice.

“Just to watch kung paano yung production life, ganun.”

Sa isang recent episode ng StarStruck ay tila nagkaroon ng reunion ang first batch na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Katrina Halili, at si Yasmien.

“Sobrang saya ko, na nakita ko sila!" bulalas ni Yasmien.

"Siyempre para kaming magkakapatid in real life and solid yung batch namin.

“And seeing them, 'tapos lahat kami nag-mature at lahat kami nandito, parang, sobrang saya ng feeling na, ‘Lahat tayo, nandito para i-mentor yung mga bata at senior na tayo ngayon sa StarStruck!'"

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi on mini-reunion with StarStruck batchmates: "Seeing them, 'tapos lahat kami nag-mature at lahat kami nandito, parang, sobrang saya ng feeling na, ‘Lahat tayo, nandito para i-mentor yung mga bata at senior na tayo ngayon sa StarStruck!'"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results