Is Rosanna Roces willing to do another sexy movie?

by Julie E. Bonifacio
Sep 5, 2019
Rosanna Roces on her working attitude: "Noon kasi, ang tingin ko, ‘Huh, gagamitin lang ako ng mga ‘yan!’ Nakita mo yung kaibahan, di ba? Di ba, napakawalanghiya ng pag-iisip ko? Ngayon, it’s not about the money. ‘Tsaka ‘yung binigyan nila ako ng chance na makatrabaho sila, nakikita ko na ‘yan ngayon. Dati, hindi."
PHOTO/S: Noel Orsal

Uso ang mga pelikula ngayon tungkol sa May-December affair na may sexy scenes.

Kabilang dito ang Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca, Belle Douleur nina Mylene Dizon at Kit Thompson, at Malamaya nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda.

May nag-alok ba kay Rosanna Roces na gumawa ulit ng ganitong tema ng pelikula?

Ayon sa dating bold actress, “Sabi nga ni RSB, ‘Magpapayat ka, gagawin kitang kontrabida next year.’ Pero sabi ko, huwag muna.

“Ine-enjoy ko pa muna ‘yang... kasi kapag kontrabida, di ba, sasabunutan ka, sasampalin ka, di ba? Hahaha!

“Bait-baitan muna ako rito. Okey na muna ako rito.”

Ang "RSB" na tinutukoy ni Rosanna ay si Ruel S. Bayani, business unit head ng ABS-CBN.

May plano ba siyang magpapayat?

Paglilinaw ni Rosanna, “Hindi naman ako mataba.

"Yung boobs ko lang, masyadong diyan napunta, kasi kaka-lipo ko dati.

"Maliliit lang ang mga hita at binti ko.

Continue reading below ↓

“Okey naman sa akin yung ganoong role. Hinahanda ko lang yung health ko."

Magpapa-lipo ba siya ulit, if ever?

“Oo, hinahanda ko lang ang health ko, para sa operasyon kasi, e.”

Puwede pa ba?

“Puwede pa. Kailangan lang... nakakatakot lang siyempre, kasi hindi na tayo bata.”

Kaya pa ba ni Osang na gumawa ng mala-Glorious ni Angel Aquino, at mala-Belle Douleur ni Mylene Dizon?

Sabi ni Rosanna, “Dyusko! Lahat ng kalaswaan na ganyan, nagawa ko na.

"Hayaan niyo akong magbait-baitan muna, ha?!

“Hindi naman sa ayaw ko. Ano, e, depende sa project, depende sa ano...

"Parang seven years ago, naghubad pa ako sa Porno ni Adolf [Alix Jr.], di ba?

“Kapag kaya 'tapos may trust ka pa doon sa direktor, puwede naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rosanna sa grand launch ng bagong drama series na Pamilya Ko noong Agosto 30, Biyernes, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

SECOND CHANCE

Masaya si Rosanna na pinili siya ni Sylvia Sanchez para makasama sa Pamilya Ko.

Saad niya, “Masakit sa akin na iwan yung Los Bastardos.

"Pero kung titingnan mo, magtatapos na sila. At least, ako, nakatalon na.

“Ang Pasko ko, sure na, yung ganoon.

"Kita mo, hindi na ako ano! Dati, hindi ko nakikita.

“'Tsaka siyempre, si RSB, di ba? Yung ginawa niya kay JM [de Guzman], ginawa niya sa akin.

“Binigyan niya kami ng pagkakataon kahit na nalulong kami sa kung anu-anong katarantaduhan.

“At sabi nga niya, 'Yung mga gago na ‘yan, kapag pinagbigyan mo ‘yan, mas gagalingan nila.'

“Totoo yun. At lagi kami nagre-remind sa isa’t isa na, ‘O, ha, baka kung ano ang ginagawa mo diyan?’

"Bantayan nga kami... na make sure na wala na sa ating maliligwak.

“Kasi, bihira na yung mabigyan ka ng chance.”

Continue reading below ↓

CONSULTING HER PARTNER

Kapag may offer sa kanyang project, kinukonsulta ba ni Osang ang partner niyang si Blessy Arias?

“Oo, kasi sa kanya lahat dumadaan yung offer. Pag ayaw ko, tumatanggi ako.

"Pero kadalasan, hindi ako tumatanggi.

“Blessing yun, e, lalo na pag pasok ako. Kahit Sunday yung shooting, tinatanggap ko, kasi blessing nga, e.

“Noon kasi, ang tingin ko, ‘Huh, gagamitin lang ako ng mga ‘yan!’

"Nakita mo yung kaibahan, di ba? Di ba, napakawalanghiya ng pag-iisip ko?

“Ngayon, it’s not about the money.

"‘Tsaka ‘yung binigyan nila ako ng chance na makatrabaho sila, nakikita ko na ‘yan ngayon. Dati, hindi," saad ni Rosanna.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Roces on her working attitude: "Noon kasi, ang tingin ko, ‘Huh, gagamitin lang ako ng mga ‘yan!’ Nakita mo yung kaibahan, di ba? Di ba, napakawalanghiya ng pag-iisip ko? Ngayon, it’s not about the money. ‘Tsaka ‘yung binigyan nila ako ng chance na makatrabaho sila, nakikita ko na ‘yan ngayon. Dati, hindi."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results